Noong nakaraang June 17, 2012 ay naimbitahan ako para sa isang lakbay-aral sa mga piling makaysayang lugar sa Maynila tulad ng Liwasang Bonifacio, Manila Central Post Office, Metropolitan Theater, at iba pa. Ang naturang lakbay aral ay tinatawag na Postal Heritage Walking Tour na ginaganap tuwing ikatlong Linggo ng buwan. Naisip kong isa itong magandang pagkakataon ulit para kumuha ng larawan, lalo na ang aspeto ng arkitektura.
Pero sa post ko na ito, tatalon tayo sa isa sa mga intersanteng aktibidades na ginagawa sa loob ng Manila Central Post Office - ang pagsasama sama ng mga "philatelists" o mga taong nag aaral at nangonolekta ng mga postage stamps.
Una muna akong nakinig sa isang seminar o introduction sa kung ano ba ang "stamp" o selyo. Ewan ko lang kung ang mga kabataan natin ngayon ay alam pa kung ano ang itsura ng selyo at para saan ito - sa panahong ngayon na nabubuhay na tayo sa "email". Oo naman alam ko kung ang ano at para saan ang selyo. Matagal na nga ako di nakakakita non.
Medyo naiinip na ako sa kwento ni manong - mas gusto kong makakita ng stamps o selyo! - Ano ba namang nakapasok ka sa post office pero di ka nakakita ng selyo di ba? Pwedeng pwede naman! Iyon ay kung tatakas ka sa seminar at mag tutungo ka sa kabilang bahagi ng post office kung saan nag kakaroon ng auction or subastahan ng mga iba't ibang selyo para sa mga mahihilig mag ipon at mangolekta ng selyo. Bukod sa subasta, pwede ka ring bumili. Bibili ako! At nagtungo na ako kung saan nagaganap ang bidding.
Una munang sinusuri ng mga bidders ang mga selyo na for auctioned - kung alin doon siguro ang wala pa sa mga kanilang collections.
At nag umpisa na nga ang subastahan - noon lang din ako nakakita ng actual na subastahan! At marami rami rin ang mga into "philately".
Napapaisip ako kung anong kasiyahan or satisfaction ang dala ng mga pirasong papel na ito - ang selyo - at may mga ganito pang subastahan - nakaka adik siguro in a good way. May pakiramdam rin ako ng rush o cramming o pagkabahala? Kasi sa malaon at hindi ay di malayong mawala na rin ang mga selyo at post office gaya ng Manila Central Post Office dahil nga sa mga makabagong paraan na ng komunikasyon.
Kung ano man ang maiiuwing selyo ng mga taong ito - ang bawat selyo ay maitutring ng kasaysayan - na minsan sa ating buhay ang mga selyong ito ang naging tulay para makarating sa ibang lupalop ang ating mga nais sabihin patungo sa ating kaibigan at pamilya.
Oo nga no, puro email na lang tayo ngayon - di na rin tayo nag susulat.
Anyway, minus the drama, parang gusto ko rin mag uwi ng piraso ng kasaysayan o kahit sa pagkakataong ito ay maging isa rin akong philatelist.
Kaya bumili na rin ako selyo ko.
Kailangan mapapirmahan ko ito kay Congressman Pacquiao hehehehe! di mo rin masasabi kung magkano na ito sa mga susunod na taon lalo pa't may pirma ng ating pambansang kamao. At saka, pinag uubos na raw at pinakyaw na ni Bob Arum ang mga ganitong memorabilia ni Manny - buti may isa pang copy - isa ito sa mga mahal na selyo nung araw nung hapon na iyon
Maraming marami at iba't ibang selyo pa ang binebenta na pwedeng pagpilian - at nasa baba ang ilan sa mga nakita ko at kinunan ng larawan:
Pati lighthouses in the Philippines bida -
at nandoon din ang paborito kong parola - ang Bolinao Lighthouse!
Bukod sa selyo, may mga nangongolekta rin pala ng mga post cards... Meron akong kinunang isa pero wala akong ideya kung anong bansa o lengawahe ito - pero gustong gusto ko yung sulat kamay - napakapersonal...
"6000 Luzerne" - pwedeng Lucerne, Switzerland .
Marami pang klaseng selyo - iba ibang disenyo - may Doraemon stamp pa ng raw hehehe at may selyo rin galing ibang bansa Pero karamihan sa mga kinuhanan ko ay mga flora and fauna of the Philippines.
Itong pagsasama ng mga kaibigan nating philatelists sa Manila Central Post Office ay isa lang sa mga activities na pwede mong makita sa Postal Heritage Walking Tour.
Ang naturang lakbay aral ay libre lang. Maaring hanapin ang naging tour guide namin na si G. Lawrence Chan sa 0919-390-1671 at sa l_rence_2003@yahoo.com.
Maari ring sumali sa Selyong Pinoy Club
524-8771
524-0140
527-0091
Thanks to
Lawrence Chan
Axl Guinto
Philpost
www.philpost.gov.ph
Photographs Bernard Eirrol Tugade
1 notes:
ayos... buti na gustuhan mo ang tour.. sa susunod ulit!
Post a Comment