ENCHANTED CAVE - Bolinao, Pangasinan

Isa pa sa mga itinerary namin nung Bolinao 2011 summer trip ay sa tinatawag na Enchanted Cave – an underground natural swimming pool.Align Center


EC1



Matagal ko na syang naririnig dati pa, and actually sa loob ng Barangay Patar, merong 3 sikat na kuweba na may may tubig sa loob na pwedeng pag liguan namely Enchanted Cave, Cindy’s Cave, at Wonderful Cave. We planned na mapuntahan lahat kaso hiwa hiwalay pala ang 3 caves na yon. So nag stick na lang na puntahan ang Enchanted Cave since ito daw ang pinaka malaki sa lahat.

I was actually excited about this sort of spelunking adventure kasi first time ko na makapapasok sa kweba, at may tubig pa sa loob. I thought “parang ganito siguro ang Palawan Subterranean River” though di pa rin naman ako nakakarating sa Palawan.

Ano kayang pakiramdam ng nasa loob? Malamig kaya ang tubig pag nagbabad ka na sa loob? May awe factor?

Sa vicinity ng Enchanted Cave, may isang burol, di rin naman ganun ka lush ang flora/vegetation sa paligid. May burol lang na mga 50ft siguro ang taas, but yung hill eh composed ng coral rocks. Then we headed na sa aming pakay. May mga steps papunta sa taas ng burol – I thought “underground pool” ang pupuntahan so bakit aakyat ng burol? Hmmmm.

So after ng ilang steps at nakakahingal na pag akyat, pag dating sa tuktok ng burol, may butas ang burol pala papasok - pababa sa loob! Whoa! Really? Adventure to! Kakatakot ah! Buti may mga sementandong steps at di na kailangang mag rapel pababa, pero still, masikip ang daan pababa. Pero parang pangit ata na may hagdan dito, di natural hehehe.





EC2


Okay, underground nga ito! Mga ilang steps din ito pababa sa madilim na bottom ng kweba, ano kayang meron sa loob? Excited!





Whoa!





EC3






Ec4




Saan galing ang tubig?

Gusto ko mag swimming na! Parang malamig talaga ang tubig! Pero I am conscious – dahil siguro medyo maraming tao or maliit ang kweba? I thought gusto kong makipagniig, sumiping sa kwebang ito pero madaming tao! I wanna have my moment – kumbaga damhin ang kweba, mag relax, mag meditate kaso maraming tao, madaming tawanan, LOL. I wanna be enchanted in the Enchanted Cave!






EC5








EC6



Anyways, I’ll just go with the flow na lang! Nanginginig na ang kalamnan ko mula pa lang sa unang dip ng aking toes sa tubig. Dahan dahan!

I’m kinda scary though, kasi kweba yun, malay ko kung anong mga creepy crawlers at mga entities ang nasa loob, bukod pa sa may mga deep part, di pa naman ako marunong lumangoy.

At nakakadagdag pa sa chill na feeling ay ang yung pag iisip ko na baka gumuho ang kweba or something - kung ano ano na pumapasok sa isip ko. I thought dito ko na rin madidiscover na ako pala ay isang claustrophobic? Mas gusto ko pa ata sa open sea, di bale ng mangitim? Anyways, nagkasya na lang ako sa pag babad sa isang tabi, umupo sa isang mabako, at matigas na part ng kweba gazing through these rock formation sa loob at kung paanong may tubig dito sa loob hahaha! Nag hahanap din ako ng mga stalactite at stalagmite formations hehehe. Sa loob ng kuweba ay mga ibang crevices pa na pwedeng pasukin papasok at meron ding parte na bawal pasukin or languyan. Okay, I won’t go there! Sa kaloob looban pa talaga?






EC7



ec8




Kung titignan nyo yung kuha ko dito, parang maganda no? Maaliwalas? Magical? Enchanting? Actually madalim sa loob – at kung may nakikita kang source of light, di po yan daylight or galing sa araw sa labas… fluorescent light lang sila at 15 secs naka bukas ang shutter ng cam ko para makuha lahat ng available na light sa loob.




EC8a



EC9


I think ma eenjoy ko ang trip na’to kung meron lang butas ang kweba na pwede pasukan ng daylight para di naman ako nag papapanic or maganda rin or relaxing kung may tunog ng lumalagaslas na tubig, but all in all, okay lang experience ko dito sa Enchanted Cave.






EC10


Actually, nung nakalabas na ako na ako ng kweba, at papunta na sa parking lot kung saan nag aantay ung trike namin, I was looking to this hill na nasa area, burol na gawa sa corals it gives chill to my spine - na itong lugar na kinatatayuan ko ngayon ay dati, nung unang panahon , naka lubog sa tubig? Nasa ilalim ng dagat?! I was having visual hallucination na may lumangoy din ditong mga prehistoric sea creatures tapos ang dilim. Nag papanic na naman ako! Nalulunod ang feeling? Tsk tsk! Yun talaga naramdaman ko sa area ng Enchanted Cave. Nothing mga enkanto or diwata-like na takot but more on awe or fascination kung paanong nag evolve ang lugar na ito, pano na form yung mga kweba, paanong na form yung coral na hills sa paligid. Nanliliit lang ako or masyado pa akong bata kumpara sa mga bagay na’to na nasa paligid ko na milyon taon ay nandito na. Magandang experience ‘to for me kasi kahit paano, naka lingon ako sa nakaraan.





EC11



0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine