Higantes Festival - Angono Rizal Philippines
Photographs by Bernard Eirrol Tugade
Ang Higantes Festival ay taunang pagdiriwang sa bayan ng Angono sa Rizal na pangunahing kinatatampukan ng mga higanteng caricature na iginagala sa daan. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong lingo ng Nobyembre kaalinsabay din ng fiesta ng kanilang patron na si San Clemente, ang santo ng mga mangingisda. Nagmula ang ganitong selebrasyon noong panahon ng pananakop ng Kastila sa Pilipinas - kung saan ipinalalaganap ng mga paring Katoliko ang kristiyanismo, ang pag babawal sa mga paganong selebrasyon, at inuutos sa mga mamamayan ng Angono na isa lang ang kikilalaning kapistahan at ito ay ang piyesta ni San Clemente. Sa kabila noon, naisingit ng ibang Pilipino sa kapistahan ni San Clemente ang ibang aktibidades gaya ng paggawa at pag parada ng mga makukulay at higanteng effigy na sumisimbolo sa mga mayayamang may-ari ng mga lupain sa Angono, na madalas ay nakapamewang, bilang prostesta at pag kutya sa mga haciendero, at di nga naglaon nagiging tatak ng bayan ng Angono ang mga gumagalang higante sa daan.
2 notes:
gusto ko makapanuod nito....kay lapit ko lang sa Angono pero ni minsan hindi ko nadadayo ito :))
Pwede ka pa naman humabol, they will celebrate the feast of St Clement pa sa November 22-23. ^^ I think colorful din yon at masaya. But be warned na 22-23 raw ay may basaan na ng tubig sa mga sasali sa feast ^^
Post a Comment