Bolinao Lighthouse

Nagdadalawang isip ako kung dapat ba na “Bolinao Lighthouse” ang title ng post na’to…

I still remember my first shot ng lighthouse na ito sa may Patar, Bolinao, Pangasinan nung 2007, then nitong nakaraang taong 2010 - sige lang, pacompose compose lang, ilagay lang sa frame ang Bolinao Lighthouse - and i loved the results!

Pero since parang inaari ko na ang Bolinao as my yearly destination tuwing summer - nakaka challenge na paano mo ipi-present sa ibang tao or at the very least sa pansariling kong satisfaction na makunan ang Bolinao Lighthouse na iba naman kumpara sa ibang shots - syempre pag nag mamature na ang isang newbie photographer, dapat marunong na rin tong magmasid - dapat kailangan maging kakaiba ang atake.

Actually, yung urge na maghanap ng kakaibang "angulo" ay applicable sa lahat ng subject, especially mga famous landmarks, let say, Eiffel Tower? Opera House? Golden Gate? Pyramid of Giza, or dito na lang sa Pilipinas, Rizal Monument? Pano mo kukunan itong mga famous landmarks na’to na di pa nakukunan ng ibang photographers? Baka nga sa sobrang pagkafamous eh halos ayaw mo ng kunan kasi "gasgas" na especially sa mga local landmarks natin. Well nasa syo na yun kung gusto mo rin ng gasgas na shots.

So sabi ko nga kanina, i think di dapat "Bolinao Lighthouse" ang title nito kundi "How to photograph famous landmarks" - of course kailangan ko malaman to! para di gasgas ang shots ko at di cliche.

So ngayong 2011, nitong summer lang, dapat makunan ko ang Bolinao lighthouse na di ko pa nakukunan before or sa way na di pa nakukunan ng iba – para di naman nakakasawa – at mas ma-challenge pa kung paano mo ico-compose ang isang famous landmarks na kakaiba sa lahat.




Bolinao Lighthouse 1


I like this shot kasi it gives an impression na “Di na ang lighthouse ang nag iisang pinakamataas na structure sa Patar, Bolinao, tatlo na sila ngayon, magkakatabi”. Pero kung pupunta ka dun, of course, ang parola lang ang pinaka mataas.













Bolinao Lighthouse 2


Sa shot naman na’to, it makes you nauseated. At ang ulap, parang gumagalaw din.























Bolinao Lighthouse 3

By this shot, alam mo na kinunan sya ng summer, panahon kung kelan namumunga ang sineguelas – pwede rin naman na ang puno ng sinegwelas ang talagang subject ko, at sinama ko na lang ang parola – may ganong klaseng technique sa photography. Like tong nabasa ko, pictures ng couple, magkaholding hands habang naglalakad sa street, pero kung susuriin mo ang shot, sa horizon, maaninag mo ang bokeh image ng Eiffel Tower, so you will say na “Ay sa Paris to kinunan”













Bolinao Lighthouse 4

Kapareho ng shot na’to, ang subject eh itong ligaw na bulaklak; ang subject ay yung bulaklak talaga, pero may maaninag kang structure sa background. (that’s why bakit dapat yata eh hindi Bolinao lighthouse ang title ng post na ito, kasi somehow, di naman to tungkol sa Bolinao lighthouse hahaha, more on “How to photograph a famous landmark”)












Bolinao Lighthouse 5a


Pinakita ko tong shot na to sa isa kong photo buddy, “Parang Prison Break ang atake mo dito ah”. Oo nga no, as far as I am concern, walang “Bilibid” sa Bolinao but it looks like na meron, pero wala, mabait at warm po mga locals ng Bolinao.













Bolinao Lighthouse 6




Bolinao Lighthouse 7

Sa landmark photography/architectural photography, merong technique na tinatawag na “contextual shots” – showing the building in relation to its surrounding – opportunity for unusual angle, exploring light, and color, and reflection. Sa shots na’to, gumamit ako ng reflection – salamin ng motor ng mamang sorbetero ng Nestle ice cream.
















Bolinao Lighthouse 8

This shot naman gusto ko kasi bihira ka lang makakita ng image ng Bolinao Lighthouse sa web na sabay na pinapakita ang “ilaw” (parola) at ang kanyang “inilawan” (South China este West Philippine Sea) - sabay/together sa isang shot.












Bolinao Lighthouse 9

This is my favorite shot! Simple lang pero I like it! Kasi it gives you an idea kung gaano ka massive ang Bolinao Lighthouse – di ko sya pinilit na yung kabuuan ng parola ay pagkasyahin sa frame, kasi malaki talaga ang parola, towering – pinili ko lang i-frame ang bintana ng parola at yung kanyang cracked paint. It was like capturing a famous landmark not in an obvious way – you’re just showing a small part of the edifice ( through bokeh, reflection, shadow, etc.) kahit maliit lang or part lang ng structure ang nakikita ay alam mo na iyon ay isang famous landmark.






my first shot in 2007


Sabi ko nga dati, sa isang comment ko sa isang blog, nag post kasi sya ng shots nya sa Rizal Park, i said "Wow, Rizal Park! Dream kong kunan yang place na yan! - Pag ako nag ka SLR, yan ang una kong bibinyagan talaga, promise ko yan kay Rizal" - ayun, so pag may post na ng Rizal Park dito sa blog ko, alam na!

1 notes:

{ arcaneletters } | November 7, 2011 at 6:56 AM said...

nice shots... i particularly liked the one with the sineguelas... i've been wondering what a sineguelas tree looks like. thanks for sharing. cheers!

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine