Location: Balingasay River, Barangay Balingasay, Bolinao, Pangasinan
Date taken: May 2011
Ilang beses ko na tong nadadaanan dati papuntang Patar Bolinao kaso I never had a chance na pumara at pahintuin ang tricycle sa gitna ng tulay para makita ang part na’to ng Bolinao – ang Balingasay River kung saan nag natatagpo ang tubig mula sa ilog at ang tubig dagat ng South China Sea. Di gaanong sikat (as landmark) ang Balingasay River kasi nga daan daanan lang, pero wag maliitin ang ilog na ito kasi isa ito sa mga pinaka malinis na ilog sa Pilipinas (Gawad Pangulo sa Kapaligiran & Wetlands Conservation Award). Kaya nitong last vacation ko, isinama ko na sa itinerary, for photo shoot, ang Balingasay River para ma-apply ang ilang tips when it comes to travel photography.
Photography tip: Travel Photography:
Kung magbabakasyon ka sa probinsya, o trip mo lang mag photo shoot sa isang bagong lugar – yep, magandang kuhanan ang mga bundok, palayan, ilog, dagat, and famous landmarks – pero wag mong kalimutang mag include din ng mga locals, mga taong nakatira sa lugar. Bukod sa mga mga panoramic views, mas naipaparating mo ang character, soul, and flavor ng isang lugar sa pamamagitan ng pag shoot din ng mga taong namumuhay sa lugar na iyon. So next time, try adding people to your shots.
5 notes:
Tumatambay kami dati dito pag gabi noong high school pa kami... At dito rin na-divirginize si khikhi. hay kakamiss ang hometown ko...
Uy nice photos man! Fave ko yung crab and the mirror. =)
@glentot - TMI hahaha
@ Robbie - thanks, actualy yung crab eh huli ng locals gamit lang ang pisi
mga daredevils yung bata bata grabe. I remember the saying, everything is an adventure when you are young. I hope to be young again,.hahaha
sir ganda! keep it up!
Post a Comment