Solution

Usapang politika ulit tayo! Kahit nakakasuka na, sige lang...

Actually, marami ng issues lately na di ko na rin pinatulan kasi, wala rin naman mangyayari kung ibabahagi ko ang punto ko...

Eto ang huli kong napanood kahapon - yung K plus 12 (kindergarten plus 12 years) na plano ng DECS para ma improved ang quality ng education system dito sa pilipinas, para naman di nangungulelat ang karamihan sa mga batang pinoy.

At may mga nainterview sa TV na di pabor kesyo di raw yon ang solution - dapat mas bigyang pansin ang kakulangan sa classrooms, kakulangan ng teachers, kulang na libro, at mababang pasahod sa mga guro, at di yong nag dadagdag pa ng tig isang taon sa elementary at high school.

Isa lang yung issue na yon sa mga naiisip ng ating mga mambabatas, andyan pa ang RH Bill, diboryso, pag babawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar... at maski yung mga lumang issues pa like ID system, electronic election, at iba pa. Kapag may mga ganyang panukala, agad agad may mga pabor at meron ring mga kontra - sa mga kumokontra lagi nilang sinasabing
"Di yan ang solusyon, may iba pang kailangang unahin , wag yan!"
Pag mga ganitong malalaking plano, tipong pang national level, parang mahirap talagang maumpisahan... ang daming kokontra, daming sumasawsaw, ang daming tamad, ang daming skeptics, maaring may point sila, maaring paranoid lang, or talagang mahal lang nila ang Pilipinas. Sa umpisa, mainit ang issue hangang sa nakalimutan na.

So paano nga? San mag uumpisa?

Iniisip ko lang... what if kung wag munang dalhin sa national level ang ilang mga plano? I "test" muna sa mga kanya kanyang bayan or probinsya? Nangyayari na naman yon... Sa mga bayan bayan mismo nag uumpisa ang papapatupad ng kani kanilang ordinansa then sasabayan pa ng talagang mahigpit na implimentasyon at pag papataw ng parusa sa mga lalabag, sa pamumuno ng mga lider na may kredibidad, na may mga mamayang nagpapasakop sa kanilang puno.

Sa Makati, bawal ang ganito
Sa Marikina bawal ang ganito.
Sa Muntinlupa bawal ang ganito.
Sa Davao City bawal ang ganito.
Sa San Juan may ganito.
Sa Sta. Rosa City, Laguna, priority ito.

Yun nga, dapat merong model city muna siguro..., para makita natin kung paano nila ito tinangap at kung paano sila nakikinabang sa mga napaipasang mga batas or ordinansa.

Baka kailangan nga natin ng model city siguro...
or a model barangay...
or a model family...
or a model individual... tutal baka naman kaya mo ng maabot ang solusyon sa sarili mong kamay - ewan ko na lang kung sino or ano pa ang kokontra syo...

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine