Isang araw, habang nasa work ako, may sini search akong specific term - then as I am typing the first few letters ng hinahanap ko, i got interested to one of the suggested term - Tridax procumbens. So I clicked on it, and to my surprise, ito pala ang pangalan ng bulaklak na madalas kong makita sa paligid ligid... and ito rin yung bulaklak na lumabas na sa mga previous posts ko. Tridax procumbens pala ang pangalan ng bulaklak na ito, akalain mo yon!
Di ko lang alam kung tanda nyo pa kung saang post ko lumabas tong mga Tridax procumbens.
Tridax procumbens in Agno River bank, Sta. Maria Pangasinan. Nakita ko to sa may tabi ng dike ng ilog nung summer vacation 2010.
Native pala sa Tropical America ang damong ito at dinala at kumalat na lang sa ibat ibang panig na mundo, kasama sa Pilipinas.
Tridax Procumbens - Flower Photography Shoot nung last April 2011. Nakita ko lang to sa tabi ng riles, kasama pa ng ibang damo/ligaw na bulaklak na bida rin sa photoshoot na'yun.
Its common names include:
Coat buttons and Tridax daisy in English
Cadillo chisaca in Spanish
Herbe caille in French
Jayanti veda in Sanskrit
Ghamra in Hindi
Bishalya karani in Oriya
Kambarmodi in Marathi
Gaddi Chemanthi in Telugu
Thata poodu in Tamil
Kotobukigiku in Japanese
Pwede rin syang potential na gamot as antibiotic, antiviral, anti insecticidal, at anti inflammatory - infairness, akala mo damo lang at walang silbi.
Tridax procumbens in Bolinao Lighthouse, 2011. Pati ba naman dito? ^^
Tridax procumbens growing in Baluarte Plano de Santa Isabel, Intramuros, Manila, September 2011. I thought kailangan ko muna mag visual inspection ng lugar (Intramuros/Rizal Park) just in case na mag photo shoot ako dito soon ^^. Nakita ko to na tumutubo mismo sa pader, cool! I miss the place!
Tridax procumbens in a cement mixing factory, in Alabang. I still remember this shoot in May 2011. Yung cement factory eh nadadaanan ko pauwi at papuntang work. I thought maganda yung grass field na may mga tiny white flowers - mainit sya sa mata ko at di ako mapakali hahaha kaso private lot; naka bakod, kaya impossible na atang makunan ko'tong "green green grass of home". So bago pa malanta ang mga bulaklalak sa mga susunod na araw, kinapalan ko na talaga ang mukha ko. Magpapaalam na lang ako sa guard. Lingo ng umaga, 6 a.m. ata, hehehehe baliw talaga ako, imbes na natutulog pa ako sa kama ko eh, talagang sinugod ko yung pabrika ng semento. Buwis buhay na'to! Luckily, pinayagan ako ng guard na makapasok sa kabilang bakod kung saan tumutubo itong mga damong ligaw na'to. Yes!
Same lang din kwento nito, Tridax procumbens, Sunday, 6 a.m., - worth it naman kahit maaga pa for photo shoot at antok pa ako. Tandaan nyo name nito ha,"Tridax procumbens" baka makita nyo sya sa paligid ^^
1 notes:
ang galing ng mga shots mo.. nakakinlove!!!
Post a Comment