Hotel 626


Mga around 7 pm kagabi, ako lang sa bahay, while having a chat with my buddy about random stuff then tinanong nya kung may webcam at mic daw ako... sabi ko ala akong mic pero webcam at speaker meron... bakit? ka ko, May papalaro daw syang games sa akin. "Sige okay na yang speaker at webcam mo", then he gave me this link http://hotel626.com/ . Akala ko kung anong RPG games to or java games... nag kaideya na lang ako ng lumabas na yung registration form window... Hell! dun palang parang gusto ko na umatras! wahhhh! So bale mag "che check in" ka lang naman sa Hotel 626... then ang susunod na mangyayari eh .... depende na syo... Open lang ang hotel na to from 6 pm to 6 am (should i say pwede mo lang tong laruin sa ganung oras)


Then register ka lang, enable mo ang cam mo, mic, speaker, or headset, patayin ang ilaw at enjoy mo lang pag stay sa hotel 626. Although na laro ko na to ng ilang beses kagabi, im still having goosebumps at napuputol talaga pag hinga ko sa nerbiyos sa mga certain situation/level at wala ka ng maiisip kundi iligtas ang buhay mo at lagpasan ang mga freaking hell-like stages para makalabas ng buhay sa Hotel 626, feeling mo talaga eh katapusan mo na?! hayzzz at iisipin mong bakit pa ako naka pag check in dito sa hotel na'to... gusto ko pa sna idetalye ang mga nakakakilabot na pangyayari nung gabing nag check in ako... pero gusto ko ikaw mismo makaranas... remember, pwede ka lang mag check in 6pm to 6 am... and check in at your own risk.


Tip: Yung guy na baliw sa isang chamber, di number combination ang sinasabi nya but mga certain vandals sa dingding. makinig kang maiigi, at kung bingi ka... wag ka ng lilingon sa kanya eeeeee!!!

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine