Nung August 3, Lunes, umuwi ako sa bahay para mag lunch at nanood konti ng TV... and the news was they were having a live feed ng martsa ng pag lilipat ng labi ni late President Cory Aquino from De La Salle San Juan to Manila Cathedral, Intramuros Manila. And around lunch time, ang convoy ay nasa Ayala Avenue na, sa mismong tapat na ng statue ni late Benigno Aquino, Jr. sa may Paseo de Roxas, that particular scene was overwhelming and unbelievable! It is like, "nag tagpo" na ang mag asawang Aquino! bukod pa sa parang nagka idea na ako na ganito rin ang feeling siguro nung mga tao nung 1983 sa cortege ni Benigno Aquino, i saw that on TV pero parang so so lang, wala pa akong malay nun so di ko ramdam... pero ngayon, sa procession ng labi ni President Cory Aquino, parang nauulit ang history! Nakakakilabot! Since sabi nga sa news eh next na pag buburulan eh sa Intramuros, parang trip ko ata pumunta tutal day off ko naman kinabukasan at mukhang maganda ang panahon, siguro pupunta ako, walang masama...
I've never been to Manila Cathedral so di ko alam papunta dun, so pag dating ko ulit sa office eh nagreasearch ako kung asan ba ang Manila Cathedral at mga possible kong sakyan... So, Lawton bus lang pala at jeep... pwede! basta wag lang talaga umulan...
Kinaumagahan, I left our house 8:3o am. Sa radyo, sa bus, balita, may mga tao na almost inabot ng 4 hours ang pagpila bago nakapasok sa loob ng simbahan daw! Oh my, mukhang tanghali na ata ang pag baba ko ng bahay hehehe. Sige carry lang, kaya yan. Mga 10 am na ata ako nakarating sa Lawton area at buti nakakita ako ng pedicab na bumibiyahe deretso ng Manila Cathedral! Sige sakay na ako! Dumaan kami ng Letran na may Cory thingy din, then after 5 minutes ng byahe eh nakita ko na ang lugar na pakay ko.... ito na siguro ang (tower at dome ng) Manila Cathedral! at nasa loob ang Pangulong Cory!
Sa kalsada ang daming tao, media (abs, gma, nbn, qtv, radio networks pati) , at mga pulis din!
Syempre pati mga tindera din na nag titinda ng kung ano anong dilaw na souvenirs; payong, t shirt, pins, ribbon, hat, lobo, etc, Bumili na rin akong yellow buddah beads.
Might as well na makiusap na rin sa mga batang mag pose sandali hehehe game na game, naka- "Looser" este "Laban" sign pa yan!
Hinanap ko na ang dulo ng pila agad... syempre, expected ng mahaba pero clueless ako kung san to magpapasikot sikot, well kita ko kung saan lumalabas ang mga tao galing sa loob, pero di ko makita kung saan parte naman ng simbahan papasok ang mga tao... Ready na ba ako kung abutin nga ako ng 4 hours? Abutin ng ulan? Abutin ng tanghalian? Abutin ng katindihan ng sikat ng araw? Wala akong ideya talaga during that time kung gaano kahaba ang pila, pero nung nakauwi na ako, chineck ko sa Google Earth at eto pala ang pilang dinaanan namin . (click the image)
At eto na nga ang mga nakuha kong subjects habang nakapila...
Ang daming mga tao, iba iba, may grupo ng mga students, mga galing provinces, mga ordinaryo, elitista, etc, Lahat may something yellow sa katawan, nakikipag kwentuhan sa katabi, nag bibigay ng opinyon... Actually, mga less than hour lang inabot namin sa pila... at habang papalapit na kami sa simbahan, naririnig mo na ang mga dasal ng rosary sa loob ng simbahan at solemn music... at parami na rin ng parami ang mga pulis, at pinalalaahanan ang mga tao na bawal daw ang camera, celfone, sa loob ng simbahan, kaya nakakabitin man, nilagay ko na ang camera ko sa bag ko... (note: the next image is from yahoo philippines)
Nakapasok na kami sa loob ng Manila Cathedral at may isang apong lalake dun si Cory na sumasalubong sa mga tao at nagpapasalamat... then lakad pa ng konti papunta pa sa gitna ng aisle, at andun na nga ang casket ni Madam Aquino, then i had my quick glimpse of her habang nasa loob sya ng kabaong... Actually di ko sya namukhaan na si Cory Aquino, ibang iba! kinukumpara ko sya sa mga pinakahuling video footages nya nung buhay pa sya, yung payat, maputi ang hair, mukhang may sakit talaga... but the lady in the coffin has a really black hair, walang uban, full ang hair, matangos ang ilong, yes, naka yellow dress beaded with precious stones... ni rerecall ko kung sino ang kamukha nung babaeng nasa loob, kasi di talaga si Cory yun, i think... hmmmm parang si Gloria Romero??? i don't know, yun ang narerecall ko sa tangos ng ilong at makapal at maitim na buhok ng babae, anyways, very regal ang dating at itsura ni Mrs. Cory Aquino... very quick, tumawid na ako sa kabilang side ng simbahan papalabas, tumingin pa ako sa mga pews kung sinong celebs makikita ko, like si Kris Aquino pero wala sya... gusto ko sana umupo at mag masid pa kaso nakabakod ang mga upuan at ang daming bouncers sa loob, so lumabas na ako at dun ko na lang ulit nailabas ang camera ko at kinunan ang mga lumalabas ng simbahan...
Nagtagal pa ako ng konti sa labas, parang gusto ko pa nga ulit pumila at makakita pa ng mga happenings sa paligid (feeling reporter?) then i saw this "freedom wall" sa isang parking lot malapit sa simbahan kung saan pwede ka sumulat ng messages mo or condolences...
In conclusion, i would say na wala pa sa kalahati ang talagang naapreciate kong kabayanihan ng dating pangulong aquino na ginawa nya sa ating bansa, sabi ng marami, sya naging susi para maibalik ng demoksrasya sa pilipinas. Honestly di ko maprocess marahil wala pa ako nung "madilim" na bahagi ng kasaysayan natin, at nagkamalay na lang ako sa ganitong lipunan na may tinatawag na demokrasya, malaya at binibigyang halaga higit sa lahat ang kapakanan at lakas ng mamamayang Pilipino, na may tinatamasang karapatan sa lahat ng bagay bilang tao... di ako mapulitikal na tao, at maopinyon... ako ay tahimik lang nag mamasid sa lipunan natin at ginagawang ang lahat para maging isang kapaki pakinabang na Pilipino sa munti kong paraan na walang inaapakan... Masasabi kong kaya ko binigyan ng isang space si Pangulong Aquino dito hindi bilang isa bayani, political icon, kundi isang pagpupugay dahil isa syang naging mabuting ina... yun ang buo kong naiintindihan, isa syang mabuting ina.
1 notes:
Thanks for joining!
Voting starts on 30th May, 2011
See yah. ROY
Post a Comment