After approximately 50 days...

Approximately 50 days ago, it looks like this.




and now...



Our first floor appeared 1 month late!!! 1 MONTH LATE!

i wanted to make a "full" story about this or post some images that i took this morning habang naglilinis ng baha na dala ni Ondoy pa, then, like, share it and tell some kwento, but as i am browsing the images, nai stress ako. i should be happy or thankful na tuyo na ang 1st floor namin, my god, pero parang hindi. di pa rin ako masaya... kasi, nung post ondoy ang bagal talaga bumaba ng tubig, ang consuelo na lang namin eh makitang bumababa naman ang tubig 1 inch tuwing umaga kada araw... andun yung excitment, magandang balita araw araw na bumababa ang tubig kahit 1 inch lang.

Matagal na sanang tuyo itong 1st floor namin, as in naka schedule na kaming maglinis ng 1st floor October 20'ish pero dumating naman tong bagyong Santi, ... ayon bumalik ulit ang tubig sa loob ng bahay at panibagong antayan na naman, alam mo yun, nakakaumay na! nkakapagod na mag bantay ng tubig sa kanyang pag baba. nakahanda na ang mga skoba at sabon at mga panlinis pero di na natuloy, aantay na naman ng more or less 30 days. Kainis. Our first floor appeared 1 month late!!!

(exhale lang ako)...

Okay... i hope na release ko na angst ko dito hehehe... i just hope na wala ng bagyong papasok kasi may 3 pa raw ayon sa PAGASA bago matapos ang 2009. well anyway, sana ma appreciate ko kung ano meron ngayon sa mga susunod na araw... Mag tuloy tuloy na sana 'to at yung kalye sa labas namin naman ang matuyo na rin at baklasin na ang tulay tulay... at malinis na rin at maging wholesome na ulit ang paligid para sa lahat... basta inch by inch kada araw, keri yan!

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine