Bago ang lahat, happy birtday muna sa tatay ko hehehe! I love you!
The following images eh kuha sa Bolinao Lighthouse. Ngayon ko na lang to ulit ito naakyat, i mean yung hill (Punta Piedra), nung 2007 at ngayong 2010.
Mula sa cottage namin hangang dito sa 105-year-old parola ay mag lalakad ka ng 1 kilometer, paakyat sa very steep na hill, nakakapagod pero ayos lang. Inakyat namin to ng 6.30 ng umaga para di pa masyadong mainit para mag photo shoot hahahar.
Mula sa kalsada , you would think and really see that the tower is so mighty, nakaka overwhelm, i mean, this thing, is bursting powerful ray of light sa kalawakan ng south china sea para i guide ang mga ships (pero nung gabing ding iyun, kaya pala parang walang ilaw akong natatanaw eh sira ito. Basta ang alam ko, nung 2007 na nakita ko sya eh nakapamagical ng ilaw na gumuguhit sa ere... it was like a lightsaber that piercing the pitch black sky and really reaching and penetrating the infinite horizon to guide those vessels na nasa end of the world. Ganda! Dati yon hehehe di ba nila inaayos? Kawawa naman.
Anyways, may kuha ako ng Bolinao Lighthouse nung 2007, which i contributed to Wikipedia. Ayon nga, nung 2007 ko pa ito kuha, yung katabi nyang structure eh buo pa noon, pero nitong huling akyat ko ay dilapidated na yung building. (which you will see sa video sa baba 1:47 - 1:49) Siguro binagyo, kaya nasira na yung katabing structure, natangay yung bubong.
So, ayun, nag ikot ikot lang kami sa area at tumingin ng pwedeng subjects. Basically, ako ang may hawak na camera at tripod most of the time. My buddy Bert eh nasa vieweng deck lang at nag eemo, hehehe - pero nag hanap din sya ng mga trip nyang subjects, feeling photographer din hehehe. *
So ako na muna nag ikot ikot and i dared na mag ocular inspection sa paligid at pati yung nasirang structure/bahay ay pinasok ko na rin, wala namang bubong so maliwanag ang mga rooms, sana wala akong makitang kakatuwa or marinig na kakatuwa hahaha. Then maya maya lang ay may narinig ako. Mga sasakyan, mga beach goers din. Nag cam whoring lang sila sa viewing deck at posing ng mga wacky poses background ang tore hehehe, so habang maraming tao eh medyo matapang na ako mag ikot ikot talaga.
*
*
So nakaraos naman ang photo shoot namin ng matiwasay, walang something.. sana lang ay maayos na ng local govt ng Bolinao ang Bolinao Lighthouse vieweng deck; at yung parola mismo, sana ay bumalik na ang kanyang maliwanag na ilaw sa gabi.
Medyo mataas na ang araw at dali dali na kaming bumaba ng burol para mag tampisaw sa beach :-P ang inettt!!!
0 notes:
Post a Comment