I just casted my vote kaninang 8 am.
How was the experience? Well, inagahan ko talaga ang pag boto dahil may pasok pa ako ng 9 am. Bale eto na ang 2nd time ko na magkaroon ng power na mag luklok ng mga mamumuno sa ating bayan. Unang subok nung 2004 eh mano mano pa ang sistema.. whoa! naabutan ko pa ang mano mano! tapos after 6 years, ngayon May 10, 2010 eh automated na!
Dumating kami ng tatay ko sa presinto or sa eskwelahan (kung saan ako nag grade 1 and 2) mga 6 am na - di naman kami nahirapan mag hanap ng mga room or ng pangalan namin. Hmmmm pero bago ang lahat eh kailangan mo muna mag antay sa waiting room at nabigyan ako ng number, pang 28th ako na makakapasok sa voting room para sintesyahan ang mga dapat sintensyahan. Habang papalapit na ang 7 am eh parami na ng parami ang mga tao sa hallway ng school, nag hahanap ng kani-kanilang presinto.
Ang ingay syet, daig pa ang mga elementaryang bata sa ingay!!! ! at umiinit na rin ang temperatura. kasabay na rin non eh tumayo si Ma'am para mag review ng onti sa tamang pag sha shade sa oval spaces sa ballot.
Nag ring ang bell 7 am sakto hudyat na para umpisahan na kauna unahang automated election... kinda excited at masyadong maligalig ang mga tao!!! Tuloy na tuloy na to. This is it!
Unang batch - lahat ng may card number na may hawak na #1 to #20 ay pumasok na sa room kung saan sila uupo at iitiman ang oval shape katapat ang kursunadang kandidato.
Mga more than 30 mins din bago natapos ang 20 na nauna ha.. at kami naman as second batch ang pumila sa hallway.. susme, ang init na talaga!!! siksikan! banggaan, paypayan, at parang papanawan na naman ako ng ulirat dahil sa init at madehydrate sa sobrang pawis! Wala namang masamang amoy kasi umaga pa naman, i hope naligo na sila bago bumoto.
Then nakapasok na ako sa wakas sa voting room, maluwag, mahangin, at tahimik.. nakita ko na sa harap ko ang isa sa mga controversial na PCOS machines - mga kulay itim na makina na sinlaki ng washing machine. Kukunan ko sana ng pix kaso baka bawal at madisqualify pa ako. so behave na lang....
Binigyan na ako ng E-ballot ni Maa'm at marker at naupo sa isang upuan. May nasilip ako na katabi... si perlas ang president nya hehehe.
Anyways, yung bilog sa tapat ni Gibo ang initiman ko, naman! May lagpas ng konti, hala!!!!
sa VP at senators, party lists, Congressman, mayor, vice mayor, at konsehal eh perfect ang shadings ko... yun lang kay gibo ang di ko matantya hayzzzz. so next time, sa 2016 uunahin ko munang mag shade sa mga senador para masanay muna ang pulso ko...
After non eh pinasubo or pina insert na sa akin ng isang comelec staff ang ballot ko sa PCOS machine at nag flash sa screen ang "Congratulations!" at sabay tulo ng indelible ink sa aking index finger. at lumabas ng room at lumipad na sa work ko.
Wala naman ata akong closing remarks... excited lang ako manood ng TV ngayon para malaman ang mga partial counts kung kamusta ang kalagayan ni Gibo ko hehehe.. or kamusta naman sila Villar at Aquino. Sino kaya mananalo no? I have no idea. Basta ako, nag enjoy ako sa pag gamit ng "power" ko at maging part ng isa sa mga maiinit at pinaka kontrobersyal na halalan sa history ng Pilipinas - Mayo 10, 2010 National Election.

3 notes:
Haha natawa naman ako sa paninilip mo sa bumoto kay Perlas.
My vote goes to Noynoy-Roxas...
Hirap pumila tol 2 1/2 hours ang tinagal ko sapila...
@glentot, walang kwentang mga secrecy folders hahaha!
@mokong pa burger ka naman, panalo si noynoy! hehehe sagot ko panulak kasi pasok naman si Binay - ang bet kong VP hehehe
Post a Comment