Random Things about "Comment"


Medyo matagal ng wala akong post ulit... Maraming akong iniisip lately - una, halos isang lingo na akong matamlay kasi yung baby ko - yung camera ko? may problema - nadedepressed ako. Siguro after nitong post ko na to eh dun ko sya ikukuwento; ang nangyari sa camera ko at kailangan ko muna syang dalin sa Canon service center sa Makati. Haysss...

anyways, go na tayo sa core ng post ko ngayon - Random Things about "Comment"

medyo matagal ko na rin tong gustong ipost simula ng ramdam kong sumisikat na ako toink! at dumadami na rin ang aking followers hahaha.

Here is the thing -

aaminin ko, di ko pa nababasa ang mga (ibang) comments sa mga posts na ito

:

So Pano.... Si Noynoy na ang Presidente natin

Mata ng tao vs Mata ng Machine

Oh My Patrick

Masakit sa ulo ang balitang politika

Gilbert "Gibo" Teodoro ang Presidente ko

Intrapersonal Communication (Virgin Issue)

Ice Cream


So sa mga nag post dyan, sorry po, wala akong bayag na basahin sila hayyyzzz.... i would love to and i should pero bakit di ko magawa... apology.

bakit ako natatakot? bakit ako nahihiya? bakit parang pag binasa ko yan eh mabubuhusan ako ng malamig na tubig? bakit feeling ko pag binasa ko yan ay feeling ko parang lata lang ako na walang laman, bakit feeling ko na may matalino pa sa akin? bakit feeling ko eh tutuksuhin lang ako? bakit feeling ko ay para akong hubad at wala na akong tinagong kahihiyan?', bakit feeling ko eh may kokontra sa post ko?

himayin pa natin -

So Pano.... Si Noynoy na ang Presidente natin -
di ko to binabasa kasi baka talakan ako ng mga maka Noynoy - feeling ko may nag post dyan na puro ako reklamo or bitter or masabihan akong mayabang - although okay na kami ni Mr. President Noynoy, excited ako para sa kanya, gusto ko ng manood ng NBN4 para sa mga magiging projects at mga ma accomplished nyang projects.


Mata ng tao vs Mata ng Machine -
Eto yung may erratum thingy... nagkamali ako sa post ko at kinorek ko rin - napag hahalatang walang alam sa system or dapat bago ako mag post ay dapat kailangan ko munang mag gather ng data at facts para tama ang pinopost ko at di magkalat ng kung ano anong maling figures. Baka kako may comelec officials na nag comment dun at naghain ng TRO para ipadelete ang post ko dahil nag ca cause lang ng kaguluhan about sa automated election.


Oh My Patrick -

Ito yung picture ni patrick the starfish. - takot ako rito kasi baka sabihin eh "sus, ang tagal tagal ng nag si circulate yang pix na yan sa internet, ngayon mo lang nakita hehehe"? or "ang lame na naman ng post mo" - actually, nagulat ako na may 2 comments to at pinatulan tong post na to, pero di ko pa alam kung sino sila.



Masakit sa ulo ang balitang politika -
Basically, wala akong pinatatamaan na politicians dito although kampo nila Aquino-Mar ang nabangit ko sa post na to pero di ito tungkol sa kanila per se but sa "political mud slinging" in general. Since sila Aquino-Mar ang nabangit ko rito baka may nasagasaan na naman ako na mga followers nila.


Gilbert "Gibo" Teodoro ang Presidente ko -
same pa rin, political issues pa rin although wala naman akong nilait na kalaban ni gibo - naniniwala ako na may maganda akong produkto at enough na yon para tangkilikin at di na kailangan pang i down ang ibang presidentiables para lang iangat si gibo - very obvious naman, maski si gibo eh di sumali sa mud slingings basta nag concentrate lang sa pangangampanya so ganun din ang ginawa ako, behave lang. - pwede rin na di ko matatangap kung sakaling may kumontra sa post ko about gibo. (sigh) - i mean, may blog ka naman eh di bigyan mo rin ng space ang kandidato mo at tirahin mo si gibo kung gusto mo pero dun ka sa blog mo. I have no idea kung sino ang nag comments dito.


Intrapersonal Communication (Virgin Issue) -
Ito yung post ko na kinakausap ko ang sarili ko hehehe. dalawang Ollie nag uusap? baliw. although natural lang naman na kausapin ang sarili or konsyensya pero i feel so naked and baliw. hula ko si Drake ang nag comment dito :-P

Ice Cream
Ito yung issue about sa mga friends ko na nag ssmoke - well, baka may nagalit kasi baka may nagsabi ng "walang basagan ng trip, hayaan mo kong mag smoke, respeto mo kung ano gusto ko"


Hay naku.... sana alam nyo yung feelings, minsan talaga, nakaka-kaba na alamin kung ano ang reaksyon ng tao sa mga ginawa mong actions - di sa pang ba-bypass at di sa di ko ina acknowledge. Yun lang talaga, duwag lang talaga ako.

other random things about "Comment" pa

#2.
May ibang comments naman na nababasa ko pero di na ako nag cocomment back - katamaran ko naman siguro yon - although bilang ganti eh bumabawi ako sa kanilang bahay para mag basa ng mga latest sa buhay buhay ng aking mga blogmates at nagi iwan ng comment.

#3
Pag nag co comment naman ako sa ibang bahay, madalas ay di ko na rin binabalikan yung comment ko kung sinagot ba o hindi. Minsan, curious ako kung sinasagot yung comment ko pero no pressure blogmates, okay lang kung in-acknowledge or hindi.

#4
Magcomment tayo if we feel like it. walang pressure. okay lang na "silent" reader ka lang. Madalas eh silent reader lang din ako at nag cocontemplate sa inyong kwento.


anyways, sana may gamot para di na ako matakot magbasa ng comments or mapanindigan kung ano ang mga shinare ko dito tutal blog ko naman to - at maging open-minded sa magiging comments ng iba... at the very least, makinig sa kanilang thoughts din about sa subject matter na inopen ko. tska blog ko nga to di ba, i hope walang tama or mali at kung may mali man eh daanin sa madiplomasyang paraan - basta, as much as possible eh sinusubukan kong maging right, fair, kind, malapit sa personality ko ang mga posts ko na may pasundot sundot na humor or TMI'sh post. Again, pasensya na sa mga comments na di ko pa nababasa, babasahin ko to soon.

5 notes:

{ DRAKE } | May 23, 2010 at 12:56 AM said...

Hahaha! teka hayaan mo na kung panget o maganda ang comment at least nageffort silang basahin at maglagay ng comment sa baba.

Kung taliwas man ito sa opinyon mo respeto lang.I-acknowledge ito. pero kung tugma naman eh di mas maganda.

Sa huli kaya ka binabalikan din ng readers hindi dahil sa mga sinusulat mo, kundi pati na rin kung paano mo sila tratuhin at igalang. Yun yon

Ingat parekoy

{ Unknown } | May 23, 2010 at 6:47 AM said...

@drake salamat sa comment hayzzz ikaw ang unang naka devirgi - este una kong follower kaya, yung lang thought na yun eh di na ako nawiwindang masyado ;P - inonote ko yang payo mo na yan.

{ glentot } | May 23, 2010 at 6:09 PM said...

Kung matatakot ka sa sasabihin ng mga tao sa ipopost mo, at hindi mo binabasa yung reaction, parang magiging one way lang ang blog mo.

Here's hoping you'll read this comment hahaha.

C'mon don't be scared. Ako nga nakikipag-away pa sa comment-comments na yan hahaha

{ Ayie Marcos } | May 23, 2010 at 11:38 PM said...

Ano ba ito Glentot da warrior fever? hahha! Kuya Ollie, si Patrick Star ay isang nakakaaliw na character na ayaw kong makilala ni Pao. hahahaha!

Sana maayos ang camera, ang ganda pa naman ng mga huling shots mo.

{ Unknown } | May 24, 2010 at 7:18 AM said...

basang basa ko na talaga to hahaha!

@ glentot - yep, na isip ko rin na parang magiging one way nga lang sya. kaya aalisin ko na takot magbabasa ng comments - ke bad or good - bawal selective. - hahaha nabasa ko nga yung comment comment issue sa bahay mo - malupet, kailangang manahin ko yan =P

@ ayie - ah,ikaw pala yung isang nag comment kay patrick the starfish hehehe, bakit daw ayaw mong iintroduce si patrick kay pao? hehehe - soon ipopost ko ang kwento sa camera ko

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine