Madaling araw ng May 15, Sabado mga 4.30 eh biglang tumigil ang huni ng bentilador... ah brownout... so tulog muna ako kasi 530 am pa ako talaga bumabangon para pumasok sa trabaho.
At pagkatapos ng 1 minuto eh bumalik ulit ang kuryente... ang nag dilim ulit... wala, natuluyan na talagang magbrownout. Anong meron kaya?
Mga ganong oras din eh bumabangon na ang nanay ko para mamalengke, pero na over heard ko na lang habang nasa kama pa ako na hindi na sya natuloy na makapunta sa palengke kasi walang makadaang jeep sa kalsada dahil nabarahan ang trapik ng mga trak ng bumbero - may sunog. Mga 700 meters mula sa aming area. Alam ko kung nasaan ang sunog na yon, nadadaanan ko yon pag pumapasok ako sa trabaho. Malapit lang sa opisina yon a - whoa, i think ngayon lang ako makakakita ng ganitong kalapit na sunog! makikita ko yon mamaya pag pumasok ako.
Naka pag ayos na ako para pumasok at naisipan kong dalhin ang camera ko para makakuha ng mga scenes - burning edifice, smokes, gases, etc.
Pagka labas ko ng highway, trapik na nga. Makulimlim na rin ang kaulapan dahil sa usok - at nilakad ko na ang way ko papuntang opisina.
At naroon na nga ako malapit sa mismong scene... although ang humihiwalay lang sa akin at ang sunog ay ang kalaparan ng SLEX, more or less, mga 10 sasakyan side by side. Nasa kabilang side ng kalsada ang sunog. Maraming tao ang nag uusyoso, may dalang camera... Mausok at mainit na ang paligid. Sinara ang kalapit ng gasolinahan. Maingay ang sirena ng mga bumbero.
Nilabas ko na ang camera ko pero nalalayuan ako sa subject although parang maganda kunan ang mga makakapal at maiitim na usok na pumapaakyat sa ere, ang ganda ng effect ng shadowing - ang araw sa silangan ay orange na orange dahil na fifilter ng usok... ganda!!! pero tinanya ko ang oras ko, malapit na mag 7 am, may pasok pa ako hehehe, wala na ako time para mag hanap ng magandang angulo - that time eh nilagay ko na lang sa video mode ang camera ko, para makuha lahat ng mga pangyayari... di na to about photography prowess - gusto ko na lang i relive ang mga pangyayari sa video.
I have taken 7 videos, 2 mins each pero isa lang ang ii embed ko dito sa post ko.
Masama ang loob ko sa post ko nato dahil dito na nagka problema ang camera ko after ko mag kukuha ng mga sunog scenes.
Dahil nga sa trapik eh nalate na rin ng pasok ang taga bukas ng office namin.. at habang wala sya eh nag iikot nga muna ako para kumuha ng videos. Mga 8.30 am ng matapos na ako sa aking videography chu chu. amoy usok na ang damit ko at hinihika na ako sa usok at init. - habang nag aantay ako sa kaopisina ko eh nag review muna ako ng mga kuha ko... at ng inopen ko ang camera ko, ang nag flash sa screen ay
LENS ERROR, RESTART CAMERA
oh my.... anong nangyari??? bakit baby?
ilang beses ko tinangal ang battery at inopen pero same message ang lumalabas. Anong ginawa ko?
Lens error... hmmmm, patay, nasubject ata to sa mainit na temperature, nainitan ang mga chips sa loob, nag malfunction na.... hala.
Lumipas ang buong maghapon na nasa work ako at ang tumatakbo lang sa isip ko eh, gaano ba kaiinit kanina sa pwesto ko? although mainit talaga, sa kabilang kalsada lang ang sunog at isang malaking squatter area ang nasusunog - although may time na tolerable at di tolerable ang init. hayzzzz, sa init ata to nadale. tanga ko!!!! habang nasa work din ako eh nag simula na akong hanapin ang canon service center dito sa philippines at kinuwento ko na sa iba kong friends na photography enthusiasts ang nangyari... at nag panic na talaga ako.. susme, halos isang buwan palang tong camera ko na to at ganito na sya... huhuhuhu, sorry...
pero nalalabuan ako sa
LENS ERROR, RESTART CAMERA
kung nalusaw ang chips nito sa init, eh di sana ay hindi na sya nag oopen as in dapat totally black na ang screen at di na naglalabas ng anu mang message.
pag uwi ko sa bahay, nireview ko ang manual nito at ano ang ggagawin pag nag labas ng ganong message..
sabi ng manual ay
A lens error was detected. Press the power button to turn the camera off and back on. If this message error continues to display, contact Canon Customer Support Help Desk as there may be problems with the lens.
then makalipas ang ilang araw eh nirereview ko sa pc ko yung mga videos ko, naiiyak ako, - at nakakita pa ako ng isang pwedeng cause kung bakit sya nag lalabas ng LENS ERROR message
i think sa kakazoom ko to habang nasa video mode... 7 videos ang nakuha ko at lahat yon eh may scenes na zoom in at zoom out at zoom in at zoom out at zoom in at zoom out.. since alanganin nga ang layo ko sa sunog, alanganing malapit at alanganing malayo so pindot lang ako sa zoom button.
mahaba na ang kwento ko...hmmm ang tumatakbo lang sa isip ko, sana nilagay nila sa manual na hinay hinay lang sa pag zo zoom...
next week ako pupunta ng canon makati para ipatingin ang aking camera. sana ay maayos na nila ang lens kung mechanism ng lens ang problema. at sana water proof pa rin sya kasi baka hindi na once na mabuksan nila to hayzzz.
Ayoko panoorin tong video na'to lalo na pag ang scene eh nag zo zoom in at zoom out -
3 notes:
hahaha, hayan kasi chismoso!kailangan pa ng ebidensya, ipapadala mo ba yan sa TV Patrol!hahah! Joke lang!
Sana maging maayos na ang camera mo, at sa aking pagkakaunawa, MAHAL yan!Naku patay!hehhe
ingat
chismoso or uzi? hehehe. ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko at dinala ko pa yung camera nung araw na yon. tignan natin ang presyo ng paayos at replacement ng mga parts. gastos ng wala sa oras =(
Kuya Ollie wag ka nang malungkot, maayos din yan. May warranty naman ata eh.
Post a Comment