Sinasabi ko sa sarili ko, "nasira lang yung camera mo, di ka na nag blog?" hehehe, actually may iba pang dahilan...
Anyways, ano na balita sa Canon D10 ko?
Bago mag June 3 pala eh, hinanap ko muna sa internet kung saan ba ang Canon Office dito sa Philippines, nasa Makati... I even chatted with a pal kung san sya nag papaayos ng kanyang canon cameras - ang office daw ay nasa Marvin Plaza Building along Pasong Tamo corner Herrera in Makati. Di ako familiar sa mga kalsada dito, Pasong Tamo? Herrera? EDSA at SLEX lang alam ko. - so hinanap ko pa rin ang Marvin Plaza sa Wikimapia at Google Earth para di ako maligaw kung sakali - i think mag ta taxi na lang ako kasi mukhang mahirap tong i access.
June 2, 9:00 am
Wednesday, rest day ko, umalis na nga ako - sumakay ng taxi mula Alabang hangang sa Makati - "Sa Marvin Plaza malapit sa Makati Cinema Square" ang sabi ko sa taxi driver. at 270 ata ang inabot ng taxi ko.
Nakita ko ang Marvin Building pero nung nasa entrance na ako eh ninote na ako ng guard na ang canon eh lumipat na ng office. The guard said "Sir, wla na po dito ang Canon, lumipat na po sila sa South Park Building, sa Paseo De Magallanes"
Ollie: South Park?
Guard: Oo, dun lang po yon sa may Magallanes.
Ollie; Okay.
"hayzzz, badtrip ako, bakit di updated ang mga canon site at di man lang sinabi na lumipat na sila ng office? dami kong iniisip to the point na nakalimutan ko na ung sinabi ng guard! San nga ulit sila lumipat? South? Magallanes? South something, South Five?" - pasaway, nakalimutan ko na! Basta alam ko may "South" at "Magallanes".
Tinawagan ko kapatid ko na nasa bahay "Bro, pakihanap mo nga sa wikimpia or google earth ang south five or south V bldg sa may paseo de magallanes... tignan mo kung anong street ang nasa harap nito, South Five Magallanes ha, text mo sa akin ang result, asap"
after a few secs,
Bro: Wala kuya, sa ibang bansa ako dini direct ng seach engine.
So, ako, bad trip na.. di ko alam kung saan lumipat ang Canon... i think ako na lang ang mag sesearch nito.. eh wala namang net shop dito along P. Tamo...
I think puntahan ko na lang nanay ko sa work nya sa Guadalupe, kasi alam ko may net shop don at baka matulungan nya rin ako kasi laking Makati nanay ko and beside govt employee pa sya ng City of Makati baka alam nya kung saan ang hinayupak na South Five Bldg sa may Paseo de Magallanes - maski yung Paseo De Magallanes ay hindi ko alam; Paseo De Roxas alam ko,
From marvin bldg, i am so clueless kung anong sasakyan ko para makarating ng guadalupe.. ang mga jeep eh papuntang libertad. Pumunta ako sa kabilang street, may mga jeep na byaheng papuntang buendia naman. "Eto, Buendia, medyo alam ko to, bahala na, papara na lang ako kung may makita akong familiar na landmark at baba na lang ako"
After 2 minutes lang eh, may nadaanan akong intersection.. mga bus papuntang Ayala - Edsa Cubao! Oy, baba na ako dito, yun na sasakyan ko at bababa na lang ako sa Edsa Guadalupe. I feel lost. Pasaway na Canon yan talaga... sayang ang taxi ko!
Sumakay na ako ng bus... heading Ayala Avenue na, then lumiko na sa Edsa... eventualy eh nasa Guadalupe na ako then sumakay pa ng isang jeep papuntang Market Market para madaanan ang office ni nanay.
Andon na ako sa office ni nanay, nag text ako at pinasok nya na ako sa room nya
Nay: Anong gawa mo rito?
Ollie: Papaayos ko camera ko.
Nay: san?
Ollie South Five? Bldg sa may magallanes?
Nay: san yon?
Ollie: Ewan ko, lumipat na raw sila eh.
Nay: Ang tigas na ulo mo, ang hilig mo kasi bumili ng mga gamit online, chu chu etc etc (sermon to the max). may phone number ka ng Canon?
Ollie: Meron.
Nay: Akin na, tawagan ko.
after a moment.
Nay: Dun sila sa may SOUTH PARK BLDG sa may paseo de magallanes. 3rd floor daw.
Ollie: "whoa" anak ng kulani! South Park pala i thought South Five! shonga - but still di ko alam kung saan 'yong Paseo de Magallanes. i am thinking ang Paseo De Magallanes nasa loob lang ng Ayala .... parang Paseo de Roxas lang -sabi ko sa isip ko.
Ollie: Pano pag punta ron?
Nay: blah blah blah blah
Ollie: "wala ako naintindihan, di ko mapicture, -- sakay ka ng ganito, tapos tawid ka ng ganyan, iikot yong jeep sa ganito at akyat ka sa fly over.. -- then ang na picture ko eh parang nasa boundary na to ng makati at pasay, south bound..." sa isip isip ko. Hayz, ba byahe na naman ako?
Ollie: Di ba pwedeng mag taxi na lang at pahatid dyan sa area na yan? "
Nay: Nag isip ng malalim - pinipicture nya kung san iikot or gagaygay ang taxi.. "Ako na lang pupunta dyan pag labas ko mamayang hapon. Bigay mo detalye nyang camera na yan, yung website, yung sira, etc etc... ay, wag na pala, bukas na lang ako punta dyan, absent ako bukas... marami ako lakad, sama ko na lang yan sa itinerary ko.
Ollie: Okay.
Nay: Tigas tigas ng ulo mo bili ka ng bili ng mga gamit kung saan saan! Umuwi ka na, ako na lang pupunta ron sa Magallanes.
Umuwi na ako, sumakay ng bus papuntang alabang. Pag dating ko sa bahay eh ni search ko kung saan ba tong SOUTH PARK bldg sa Paseo de Magallanes... bakit di ako familiar?
Then ang lumabas na result, SUS ME, NADAANAN KO KAYA TO PAUWI - doon lang pala tong Canon Office sa Paseo de Magallanes... along SLEX or Osmena Highway, as in sa "paanan" lang ng magallanes intersection bridge. hayzzzz. Lagi ko tong nadadaanan pag luluwas ako ng Makati or may kadate sa QC - pero di ako familiar sa name ng area - alam ko eh "Magallanes" period but not Paseo de Magallanes hahaha. buwisit, nag sayang talaga ako ng araw na to.. Yeah huh, (south park VS south five) memory gap na'to!!!
June 3,
Si nanay na ang nag punta sa canon - magallanes, at iniwan na ang camera ko roon.
NOTE: di ko na ginamit ang warranty nito at ibinalik sa website kung san ko to binili kasi gusto ko ako na mismo mag fofollow up - tutal, sa canon magallanes rin naman nya yon dadalhin. Beside, natrauma na ako don sa site na yon. di customer-friendly.
Nanay: Yong camera mo, lens daw sira, pero di pa alam kung magkano ang aabutin, basta tatawag na lang sila syo kung magkano aabutin. Then kung naibigay na yung presyo at pumayag ka sa halaga na gagastusin, ay mag aantay ka ng 2 to 3 weeks then tatawag sila syo kung gawa na at dun mo na babayaran sa claiming date.
Tumawag sila nung June 5, at sinabi na Php 4,691 ang lens replacement at mag aantay nga ng 2 to 3 weeks at pumayag na ako sa presyo, yehey, ma rerepair na ang camera ko.
June 19.
Wala pa rin balita. Bakit di nila ako kino contact, ayos na kaya ang camera ko? So nag email ako,
Hi Canon,
Just want to check the status of my Canon D10 that I brought to Magallanes on June 3, 2010 for lens replacement , i think.
I did receive a computer-generated text on June 5, 2010 to confirm if I want to proceed with the repair; that would cost me Php 4,691.00 for lens replacement, and I confirmed on the same date, June 5. It's now June 19 and i havent received any notes or text updating me whether my camera is now repaired and ready for pick up or should i wait longer.
I would appreciate any updates that you could give. Thanks.
Bernard.
Nag reply naman kagabi ang Canon, june 21
Dear Mr. Tugade,
Greetings from Canon Marketing Philippines!
This is to acknowledge receipt of your email. Please be informed that we sent your unit to Malaysia for the repair last June 10, 2010 and normally it will take 2 to 3 weeks regarding the arrival of your unit. Someone will call you once the unit is ready for pick up.
Thank you for the opportunity to be of assistance. Should you have further inquiries, please feel free to email us at Customer_Care@canon.com.ph or call us at 884-9000 from 8:30 AM to 5:30 PM, Monday to Friday. Have a great day.
Lupet, nasa Malaysia ang camera ko hahaha! Miss na miss ko na camera ko!
PS: May isa pa akong naiisip, that camera is water-proofed, sana water-proofed pa rin kahit nabuksan na sya, i hope kaya pa rin ang 30 plus-feet deep na lalim na tubig, kasi may plan akong gawin sa September or October.
4 notes:
Naks mabuti pa ang D10 mo nasa Malaysia... kelan daw dararting cam mo tol?
@ moks oo nga eh, nagulat din ako na nasa Malaysia cam ko, bakasyon? Sabi ng nanay ko kagabi "Nasa malaysia? sabi lang nila yon, pero ang totoo ginagamit na nila yung cam mo kaya ang tagal bumalik" hehehe
so far antay lang ako ng tawag from canon.. baka last week of june or 1st week of july, balik pinas na ulit ang cam ko.
Sowsyal ng camera mo, sumakay ng erpleyne! heheheh!
@ayie... naunanahan pa ako mag abroad - akala ko dito lang sa pinas yon inaayos =)
Post a Comment