Huh, Love? Ano yun?




Di mo gusto ang usapang artista no? Ako rin. Kaya wag natin pag usapan ang latest kay Kris Aquino - este Presidential Sister Kris Aquino.



Napanaood mo ba tong sa the Buzz, ang kanyang final statement tungkol sa relationship nila ni James Yap na hiwalay na sila - well para kay Kris Aquino eh tinapos nya na ang relationship nila ng kanyang asawa.

Mga reaksyon ko habang naliligo ako nung lunes ng umaga sa banyo:

"Simula nung llamadong llamado na ang kuya mo, pinili mo na mag behave - mag hinay hinay sa pagiging taklesa, mag hinay hinay sa pag hohost, maging conservative sa mga sinasabi at pag kilos kasi naka balik na kayo sa Palasyo at para di ka maging sakit ng ulo ng kuya mo or maski ng mga ate mo rin... - Nag resign ka nga sa the Buzz di ba... naging effective naman - pero tong huli mong pasabog sa huling araw mo rin sa the Buzz eh parang feeling ko eh - Kris Aquino will be Kris Aquino talaga. Sa situation ngayon, I thought kapag may problema sa pamilya ay gagawin na itong private matter - dahil may inaalagaan kayong image at para wag ng makalakadkad ang pangalan ni President Noy Aquino. Pero oo nga naman, public figures kayo, utang ba namin sa inyo yon na malaman pa kung anong problema sa pamilya nyo? Choice mo, kung gusto mo ishare kung ano man yang nangyayari sa 4 na sulok ng inyong bahay. - Aware din naman kami na kahit paano eh right nyo magkaroon ng privacy sa mata ng publiko. Pero tingin ko, wag mo na lang din pigilin na bawasan ang pagiging taklesa or bait baitan, di kami sanay eh, sige, syo na lahat ng spotlight ulit. Kris is Kris - i am sure ganon na rin ang inisip ng kuya mo, mahal ka pa rin nya"

Isa pang isipin na nanganak mula sa pasabog ni Kris, habang nag lalather ako ng sabon galing Marks and Spencer:

"Naawa naman ako kay James... siguro ang mga tao, habang pinanood si kris, ang simpatiya ng tao eh na kay kris.. si kris na naman ang underdog, si kris na naman ang may nawasak na pangarap... Hello, di lang si kris ang nangarap ng magandang pamilya.. Ako rin, siguro lahat ng lalake sa mundo, gusto magkapamilya ng maayos - masayang pamilya. - Ano kaya iniisip ni James? - sinasabi ba nya "Kris, sinira mo ang pangarap kong magkapamilya, di ganito ang gusto ko... Ako ba, si Ollie, gusto ko maging asawa si Kris?" Malabo. Hindi ko alam, private akong tao. Ikaw gusto mo maging asawa si Kris?"
"Basta, mas kiling ako kay James - Pero baka naman kaya nakipag hiwalay si Kris eh dahil sobrang babaero nitong si James. Ibang kwento na naman yon. dalawa lang naman eh.. either babaero si james or sobrang difficult at complicated ni Kris. What say you Mr. President? ay binata ka pa nga pala. hehehe sorry naman"


Kung may video sa taas si Kris.. eto naman ang official statement ni James hingil sa isyu galing sa Yahoo Philippines

The Score by Patricia Bermudez-Hizon
Special to Yahoo! Southeast Asia

James Yap has remained mum about his marital woes, even after his wife, Kris Aquino, went on national television and aired their dirty laundry. But today, he released a statement which says a lot about his character, and reveals his intention of keeping the family intact.

“Kilala niyo po naman ako. Tahimik at simple lang akong tao. Tingin ko din itong lahat na issues na naglalabasan siguro dapat kami na lang mag-asawa ang mag-aayos in private. Ever since naman, never niyo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris.

“Kaya konti lang ang gusto kong sabihin.

“Naniniwala ako sa kahalagahan ng pagkakaroon ng buo ang pamilya. Kaya ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil syempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama. Umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.

“Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino.

“May nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inauguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.

“At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na-aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.

“Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang situwasyon. May tamang oras at panahon ang lahat.

“Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin.

“Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na tunay na anak na ang turing ko.

“Inuulit ko, it’s final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito.”


******
Buti naka hold on lang tong si James no? di bumibigay... Sana mag kaayos na silang dalawa.. at patuloy na mag pasensyahan at mag unawaan.


I am sure, ang mga nag ce celebrate ng 50th or 75th marriage anniversary na mag asawa ngayon eh may mas mabigat pang pinagdaanan pero mas pinili nilang magsama at patuloy na nagtiwala sa kanilang binuong love - go lang ng go , tiis ng tiis at manatiling commited sa isat isa kahit ano pa yang baho nyo at kahit gano pa katigas ang ulo - it is the unconditional love ang patuloy na nagbibigkis sa kanila - Yun ang bihira na ngayon, love na unconditional at love na di makasarili.

9 notes:

{ gillboard } | July 2, 2010 at 9:31 AM said...

ako natuto na lang akong wag nang pansinin ang mga problema sa buhay ni kris aquino. wala naman siyang nagagawa para pagandahin ang buhay ko. hehehe

{ Ollie } | July 2, 2010 at 6:48 PM said...

@ gillboard - hopefully meron na syang magagawa kasi binawasan nya na ang mga shows nya sa TV.. baka tutulong kay brother noy sa Palasyo =)

{ DRAKE } | July 2, 2010 at 11:25 PM said...

Nice showbiz na showbiz!LOLS

Gudluck na lang sa dalawa!hhehe

Ingat parekoy!

{ Ollie } | July 3, 2010 at 4:05 AM said...

@drake, kailangan versatile ang blog - kahit showbiz ilagay natin hahaha . malay mo minsan maging xxx naman ang laman nitong blog ko LOL

{ GLIP } | July 4, 2010 at 10:55 AM said...

naku iwas ako dyan. toxic makasama mga tulad nya.

{ Ayie } | July 4, 2010 at 11:58 PM said...

Ako msasabi ko lang. Kris should've wait. Kse sya tong busy the whole year for prep ng kapatid nya for candidacy. Hindi pa nga sya ginagamitan ng 'asawa' rules ni James.

{ Ollie } | July 5, 2010 at 4:59 AM said...

@glip, buti si james eh di na totoxic, talagang love ito.

@ayie - updated ha kahit nasa abu dhabi! actually gusto ng mga tao eh suyuin ni james si kris para happy pa rin in general at sa bandang huli

{ pusang kalye } | July 5, 2010 at 8:40 AM said...

the problem with kris is that she doesn't know how to keep her mouth shut.....something that I admire kay james....the thing is, everybody goes through relationship trials, dapat wag nalang nyang gawing circus buhay nya. better shut up nalang sana. lagi syang nagsasalita ng tapos.she's intelligent---but not wise when it comes to relationships.sigh

{ glentot } | July 6, 2010 at 12:15 PM said...

Ayaw mo talagang pag-usapan ano? Hahaha alam ko naman ang tunay na topic mo eh.... ang sabon mong M&S!

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine