Sabi nila na ang movie na ito ay isang brain movie - open for views, gazillion views - bawat makakapanood ay magkakaroon ng ibat ibang interpretations. Ito'y movie na pag uusapan kasi very puzzling?
Ang ipo post ko dito ay di interpretation but mga questions about sa movie especially yung dreaming part - yung process ng inception at extraction, etc. Sa mga nakapanood, di ko rin sure kung masasagot nyo ito - or ako lang ang di nakinig ng maigi sa mga kaliit liitang details - kung may subtitles lang sana LOL.
1. Sa limbo level, yun lang yung level na tumatanda (ka)? parang sa case ni saito. Imortal ka ba sa limbo?
2. Nakaka access din ba si saito sa sarili nyang limbo?
3. Tama ba na nagsimula at natapos ang movie eh buhay si saito? Sa mga dream level lang sya namatay, tapos buhay sya sa limbo as old saito? yung limbo ba ni old saito eh naganap rin sa flight nila sa LA?
4. Sa limbo, di na kailangan ng architecture no?
5. Unique ba ang bawat attempt mo na managinip? walang nauulit na scenes na pwede mong balik balikan?
6. Can you decide "Gusto kong pumunta or managinip sa limbo level?" - ngek, mapupunta ka lang sa limbo kung namatay ka sa isa sa mga level of dreams
7. Ang isip ba ni Cobb ang may dahilan kung bakit lumabas si Mal sa snowy fortress? Malinis si Mal don no? kasi sa reality eh patay na si Mal.
8. Anong meron sa mga levels of dream and limbo at di humihinto ang totem? You mean, walang katiting na chance kahit ilang milyong beses kang managinip ay di hihinto ang totem? - pano kung sa real world, buong araw magdamag kong iniisip ang totem ko ay hihinto, then nanaginip na ako at dahil sa kakaisip eh huminto sa panaginip ko ang totem? pano na? - anyways i think alam ko na ang sagot.
9. Pag napunta ka sa limbo, that's it, wala ng chance ng managinip or mapunta ka sa ibang dream levels sa ibang inception/extraction session?
Actually marami pang tanong... pero di ko na ita type. Kahit na nasa harapan ko ang director na si Christopher Nolan, di na ako mag tatanong about sa process ng inception at extraction kasi di naman to factual (nerd?) - kung may scientific studies ba na mag bibigay ng solidong sagot as if naman na gusto kong maging isang extractor hahaha. pero interesting talaga, gusto ko malinaw ang mga sagot bago ako matulog bilang extractor para magising pa ako sa realidad - kung di naman, para malamam ko ang real world vs dream world ang naiisip kong totem ay compact mirror. Of course di ko ipapaalam kung pano yon gagana. Ako lang dapat nakaka alam ng aking sariling reality check.
Feeling ko ay ako si Fischer, pinaiikot lang ako ni Nolan/Cobb para sa kanyang sariling kapakanan. But i loved the movie! 8.85/10
Next movie review: Mamarazzi (eugene domingo/diether ocampo) ;P
0 notes:
Post a Comment