Manila Hostage Crisis - Ang aking punto

Nasa work ako non, mga bandang 3 pm; mga ganong oras na lang din ako nagkaroon ng free time para mag surf kasi tapos na trabaho ko at sa Yahoo News ko nakita itong Manila Hostage Crisis.

"Hostage na naman, sa Manila, sa bus ulit?"

I thought magiging smooth ang takbo (gaya ng nakaraang bus hostage sa Manila rin) kasi may napalalaya namang mga hostages din agad pero marami pa ring hawak na hostages.

Mga 430 pm na ako nag out at pagkadating ko sa bahay eh binuksan ko na ang TV - so eto pala ang nagaganap habang busy ako sa work... well, sa oras na yon, i'm confident na maayos ito, mapapawalan rin ng ligtas ang mga turistang bihag.

Mga bandang 6 pm to 7 pm medyo nagkakagulo na, dahil sa inaarestong kapatid ni Rolando Mendoza, si SPO4 Gregorio Mendoza, na kesyo ang kapatid eh gagawing accessory to the crime dahil lihim na kumokontak ang huli kay Rolando Mendoza na nasa loob ng bus. I thought kasama si SPO4 Gregorio Mendoza sa negotiating panel, ngayon eh accessory na. Palipat lipat na ako sa channel 2 at GMA7... May live coverage sila kung paano binubuhat ng parang baboy si Gregorio dahil ayaw namang paaresto. Wow, si Ted Failon, may direct interview kay Gregorio?! I thought mapuputol ang interview kasi daming police sa paligid na humahawi sa mediamen... pero tuloy tuloy lang ang interview ni Ted... Sa GMA 7, si Susan Enriquez naman ang umeeksena. I thought mapuputol ang interview dahil maraming police at bawal na ma-delay ang pag aresto kay Gregorio.

Sa nangyaring pag eksena nila Ted at Susan, or ng media in general, may mali, di ko lang sure, may "obstruction" or "nakiki-sawsaw" sa operation - mas nangibabaw sa isip ko kung sino sa dalawa ang merong magandang coverage at nakapag hatid ng blow by blow account, sino ang may maganda angulo ng camera.

Later on, meron palang mas may lamang sa dalawang istasyon nato, ang RMN radio network, kasi meron silang direct contact kay Rolando sa loob ng bus - nakakausap nila ang hostage taker sa loob ng bus mismo ng mga oras na yon - Anong pinag uusapan ni rolando at ng news anchor ng RMN? anong alam ng news anchor sa mga ganitong hostage taking crisis at pakikipag usap sa isang hostage taker?

Ilang saglit pa mula sa pagkaaresto kay Gregorio, may mga umalingawngaw ng mga putok sa loob ng bus. Yaiks, dun ko na rin nalaman na may TV sa loob ang bus at napanood ni rolando ang pag aresto sa kanyang kapatid - lagot. Ano kayang TV station ang pinapanood ni Rolando sa loob ng bus? Ginalit nyo na si Rolando, patay kayo.

Sa TV, halos naubos ang oras sa pag basag sa pinto ng bus... i am wondering kung di ba nakikita ng police yung emergency exit door para mapasok na sila, bakit di yon ang binuksan? maraming pang eksena or moves ang police na masasabi mong,

"Ay, malamya ang mga kilos, kulang sa training, di alam i-handle ang ganitong situation "

Balik tayo sa usapang may TV si Rolando sa loob... eh kahit gaano kagaling ang isabak para sugurin si Rolando eh limitado magiging galaw kasi kitang kita ni Rolando ang pwesto ng mga police - may isa pang media na nagtanong kung anong planong tactics ang next na gagawin? Yeah, itanong at ireveal nyo ang plano ng police habang napapanood kayo ni Rolando.

Media black out! Why not! Ang importante dito eh buhay ng mga turistang dayuhan - hayaan ang police sa kanilang diskarte, sila ang mas nakakaalam -

At sa mediamen, patayin muna ang camera nyo... lalo pa't may mga rules or guidelines ang KBP regarding sa mga ganitong situation:


“Always assume that the hostage taker, gunman, or terrorist has access to the reporting. “


“Avoid describing with words or showing with still photography and video any information that could divulge the tactics or positions of SWAT team members.”



“Fight the urge to become a player in any standoff, hostage situation, or terrorist incident. Journalists should become personally involved only as a last resort and with the explicit approval of top news management and the consultation of trained hostage negotiators on the scene.”



“Strongly resist the temptation to telephone a gunman or hostage taker. Journalists generally are not trained in negotiation techniques, and one wrong question or inappropriate word could jeopardize someone’s life. Furthermore, just calling in could tie up phone lines or otherwise complicate communication efforts of the negotiators.”



“Challenge any gut reaction to “go live” from the scene of a hostage-taking crisis, unless there are strong journalistic reasons for a live, on-the-scene report. Things can go wrong very quickly in a live report, endangering lives or damaging negotiations. Furthermore, ask if the value of a live, on-the-scene report is really justifiable compared to the harm that could occur.”



“Be very cautious in any reporting on the medical condition of hostages until after a crisis is concluded. Also, be cautious when interviewing hostages or released hostages while a crisis continues.”



“Exercise care when interviewing family members or friends of those involved in standoff situations. Make sure the interview legitimately advances the story for the public and is not simply conducted for the shock value of the emotions conveyed or as a conduit for the interviewee to transmit messages to specific individuals.”


Nakakagulat tong mga guidelines na'to na dapat ay alam, ipaalam, ipa review sa lahat ng may ari ng TV stations, radio stations, dyaryo, etc.

Ilagay sa tama ang pagiging brodcater or pagiging mamahayag - timbangin ang situation, di lang basta basta sugod ng sugod at ginawang pambala ang Freedom of the Press - at para masabing kayo ang unang naka scoop ng istorya.


---------------------------------------------------------------------------

addendum

8-26-10
from Yahoo News Philippines/GMANews.tv

GMA News: We are reviewing how we covered the hostage crisis.

Agad-agad matapos ang aming live coverage ng hostage taking at sa madugong pagwawakas nito noong Lunes, sinimulang suriin ng GMA News ang aming naging paraan ng pagbabalita ng naturang insidente.

Pinag-aaralan naming muli ang kasulukuyang mga patakaran at palakad upang malaman kung paano pa ito mapabubuti at mapunan ang mga kakulangan.

Sa pagtatapos ng pagsusuring ito, bubuo ang GMA News and Public Affairs ng mga bagong patakaran na ipatutupad sa mga coverage na sadyang may bantang panganib sa aming mga news and public affairs coverage teams at maging sa publiko.

Bukas ang GMA News na makipag-dialogo sa mga otoridad upang mapag-usapan ang pinakamabuting paraaan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko, lalo ng mga hostage. -

GMANews.TV


7 notes:

{ DRAKE } | August 25, 2010 at 1:48 AM said...

sa akin lang din!

Aba Media yan syempre balita yan kaya sila nandyan. Kung mayroon magcocontrol sa media, dapat ang pulisya yun. Ngayon alam ba ng media na may TV dun sa loob ng bus?hindi! Ngayon may guidelines ba para sa media! OO! Sino nagpapatupad! WALA!

So mahirap magsisihan, aminin natin o hindi dapat may cocontrol sa lahat ng pangyayari. Sino yun kundi ang pulisya. At nakakalungkot din ang ang naghostage din ay isang pulis din!

Yun lanng din naman sa akin!hehehe!ingat palagi bro!

{ engel } | August 25, 2010 at 2:33 AM said...

iniisip kong magsulat din ng aking opinyon tungkol sa nangyari noong lunes... kaya lang miyerkules na... baka iba na lang.

pero sa akin ay this could have been handled much better. yun lang.

{ Unknown } | August 25, 2010 at 3:51 AM said...

@ drake,

Pulis na naman! Ang pulis! Ang pulis! Lagi na lang ang pulis! Ang pulis na walang malay!

naka pirma ka na ba ng kontrata as banker? cancel mo na, mag pulis tayo!

kitang kita talaga na ang daming uzi, sawsawero at sawsawera nung lunes, media and civilians, kulang sa control, tama ka.

tapos ang mag cocontrol sa media eh yung bosses nila sa mga stations nila. i just hope na may natutunan tayong lahat sa pangyayaring ito

{ Unknown } | August 25, 2010 at 4:02 AM said...

@engel

pwede pa naman mag sulat ng point mo, baka may iba ka ring punto or sisihin JOKE!

yung hostage per se, na-handle naman talaga yon ng maayos sana, kung ganito lang sana, ganire, ganyan, pero nangyari na rin eh - "there's always a first time" ika nga, hope next time mas may control na tayo.

girly | August 30, 2010 at 10:06 PM said...

hay naku ako d ko napanuod yung hostage taking na nangyari...........

nikka | August 30, 2010 at 11:22 PM said...

exactly my point! :P

c'mon. may TV sa bus. let's say wala. may radyo. eh di ba may live streaming (idk what it was called) sa radyo ang mga news shows both leading stations?

c'mon. meron pa nga.

"ayan, ayan, nasa gilid na ng bus ang mga pulis. tumatakbo na sila sa gilid..." or so.

c'mon. eh di alam ni rolando yun. haha.

anyhow, nuff said.

nagtataka lang ako bakit di sumali ang militar sa operation. nasa kanila ang mga gamit.

{ Unknown } | August 31, 2010 at 6:21 AM said...

@ girly - i am wondering... tong nangyari eh parang big event talaga.. tipong mga laban ni pacquaio sa mga mexicans - i am wondering kung may dvd version to sa quiapo hehehe. 9 hours?

@ nikka - di pwede sumali ang militar, sasabihin overkill hehehe. - isang maalam na negotiator lang naman ang kailangan don kaso...

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine