Padaan Saglit...

mga mumunting munting posts lang

----------------------------------
1. Too much messing with time - kahapon, linggo, dami kong free time, imbes na mag update ng blog eh nood na lang ako ng movie sa PC ko... Una, Click (Adam Sandler) then Prince of Persia (jake Gylenhall). Di ko inixpect na halos mag kapareho ang theme ng movie! may time traveling involve. Alam ko yung Click eh meron talaga, pwede mag "rewind". Pero yung Prince of Persia, sa bandang huli ng story WHAT! may rewind factor din. Sana yung SNAKE ng Animal Planet na lang pinanuod ko para may variation. Sumakit ang ulo ko.

Pero what if kung makakabalik din ako sa nakaraan or sa hinaharap... san ako pupunta/babalik? gawan ko na lang to ng post next time.

--------------------------------
2. Para akong lutang, isang taon na ang ONDOY - magpapasalamat ba ako? mag re reminisce ng adventure or wag ng balikan yon... lalo pa't kaninang umaga, habang nakaupo ako sa "trono"

"Paano nga ba ito ginagawa nung nakaraang taon? "

-------------------------------

3. Lapit na birthday ko, hingi ba ako picture greetings?


------------------------------

4. Office life wise - i think makaka relate lang dito eh mga co workers kong nakikibasa dito... i wanted na ilagay ko sa status ko sa YM or skype -

"HELLO DOLE? CALLING THE ATTENTION OF DOLE!"

syempre i am just joking. pwede rin naman ito

MEDEXCEL - ALABANG Branch 20 HOURS V.S. MEDEXCEL - THE FORT branch 0 HOUR, BEAT THAT! (sipsip mode) =D

okay lang na madaming jobs, di ko tatangihan yan pero i think kelangan ng resbak naman! Buksan nyo na ang pinaplanong Medexcel - The Fort.

-------------------------------------


5. Speechless mode na ulit.


-----------------------------------

6. Sa the Buzz pala kahapon, na-interview ni Charlene Gonzalez si Kuya Kim about sa kung pano naka recover si Kuya Kim sa kanyang stroke... quote ko lang yung mga sinabi ni kuya kim sa interview

"ang buhay dapat hinaharap one day at a time... kung magising ka ngayong araw, yung buong maghapon lang ang iintindihin mo... wag mo muna planuhin yung para bukas kasi baka di ka na rin magising kinabukasan." - Kim

"A happy life is having a happy wife - yun ang motto ko sa buhay - kasi ang mga nanay naman talaga ang may malaking load o responsibilidad sa loob ng isang tahanan - halos sila lahat - so dapat lagi nating pasayahin ang nanay or asawa natin para maging maganda at masaya din ang kilos nya sa loob ng bahay at maging masaya ang buong pamilya" - Kim

Yung unang quote, meron akong reaction don... post ko na lang din sa ibang araw.

3 notes:

{ Traveliztera } | September 27, 2010 at 1:05 AM said...

I must admire Kuya Kim for being very positive and how he values everything and everyone around him.

Ngapala, lapit na nga bday mo!!! :D Babalik ako sa araw ng kaarawan mo para batiin ka! :D

{ DRAKE } | September 30, 2010 at 2:28 PM said...

brod sabihin mo lang kung kailangan mo ng pic greetings sabihin mo lang!

hehehe

advance happy bday

{ Unknown } | October 19, 2010 at 5:49 PM said...

@traveliztera

i like kuya kim also, napaka extreme minsan ng acts nya minsan with animals.

ang sweet mo naman, babatiin mo talaga ako sa bday ko? hehehe thanks!

@Drake. thanks sa greetings mo brod! madaya ka naman pag nagpapadala ng pix, di kita ang pagka puge mo hahaha!

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine