Eto na yon, yung parte ng relasyon na hindi isang simpleng pamamasyal lang sa parke na maaraw at masarap umupo sa damuhan. Alam ko na hindi magiging ganon ang eksena sa mundo ng pag kakaroon ng katuwang - yung masaya. Alam kong ang pagpili sa landas ng pagiging tali ay may mga masalimuot din na bahagi - nabubulagan ng pagiging makasarili - pag daan ng pag dududa - matinding pagkakati ng ulo dahil sa malabong takbo ng utak ng isat isa - di magtapo - pagkatangay sa malalakihang alon sa puntong natatangay na ako at di ko na naalala ang iyong mukha, tinig, at ang pakiramdam ng iyong hawak sa aking kamay. Ayoko yon... Nakakaiyak... Nakakatuyo ng lalamunan... Minsan nga, nagiging ako, yung may sungay.
Paanong ang tao na tuwang tuwa ka pag kasama mo ay dumarating din sa punto na yun din ang tao na gusto mong isumpa dahil salbahe - nakakagigil!
"Bakit mo ko ginaganito?"
Sa kabilang panig
"Bahala ka sa buhay mo!"
Sa pagdaan ng araw - natulog at nagising na galit pa rin.
Sino ang unang susuyo kay kanino?
"Gago ka, tinitiis mo ko?" sabi sa sarili.
Ilang araw pa...
Ilang araw na...
Tahimik pa rin...
Hiwalayan na'to?
"Di ah!"sabay kambyo - iwaksi yan!
"Nag aantay lang ako na sya ang unang manuyo - Anong nangyayari don at ang tagal magparamdam? Nag aalala ako"
Sabi ko nga, tong ganitong unos at alingasngas ay parte ng pakikipagrelasyon... wala kang paglalagyan kung madali kang bibigay. Dapat may mahaba kang pisi...
Meron ka laging pang unawa... pumuno ng pagkukulang...
Payong na pula - Mula sa isang matinding away at diskusyunan - na aminado naman ako na ako ang may gawa, ang away na yon ay naganap noong Agosto.
Sobrang laking away, mukhang katapusan na at di na aabot yata sa ika-2 taon ng pagiging tali sa isat isa - ngayong Setyembre 3.
Huling araw ng Agosto, may pag asa... Nagbigay ang isat isa ng daan para alalahanin ang Araw ng Pangako... At nag kita kami noong Setyembre 1, sa Maynila.
Humupa na ang galit at inis - at sinulit ang 3 oras para mag usap, balitaan, mag kalinawan at masdang muli ang mukha nya - di pa rin nag babago sa loob ng dalawang taon -
"Wala akong ibang gusto titigan kundi ikaw lang - alam kong ikaw pa rin sa mga susunod na taon."
Bago umuwi, isang balik tanaw pa - dagdagan pa natin ng bato, at semento ang pundasyon...
"Sa loob ng dalawang taon, okay naman tayo!" "Wag ka lang masyadong makulit" - sabi mo sa akin.At ang hiling ko -
"Constant reassurance"
Habang pauwi papuntang sakayan, bumuhos ang ulan!
Bumili ako ng pulang payong sa banketa... inakbayan kita at inakbayan mo ko para mag kasya tayo sa ilalim ng payong... Masarap sa pakiramdam.
Sobrang lapit - sobrang dikit - ikumpara mo nung Agosto...
Basa ako ng ulan, pero di ako nilalamig, mainit kang katabi...
Ang payong na pula - tila nagsasabing
"Ako ang simbolo ng inyong pagbibigkis - at sa pagpasok nyo sa ika-3 taon - magtabi lang kayo lagi, umaraw man at mas lalo na kapag umuulan...
1 notes:
belated happy anniversary sa inyo. ang tatag. medyo mahirap na ang maka-2 years anniversary ngayon. 1 buwan nga lang minsan, hirap na. kaya alagaan mo yan. :)
Post a Comment