Avada Kedavra

"The Cruciatus, Imperius and Avada Kedavra Curses were not made "unforgivable" until 1717." —Albus Dumbledore

Di naman to tungkol sa Harry Potter - more on the "Avada Kedavra" spell...

Since malapit na ipalabas yung huling part ng Harry Potter - Deathly Hallows - nag decide ako na panoorin ulit ang mga unang installments para ma refresh lang - pero ang pinanood ko na lang ay ang paborito ko sa lahat, ang The Goblet of Fire. Tingin ko, ito na ang pinaka nakakatakot na movie na napanood ko. Ayaw ko yung scene sa lake, sa loob ng maze, at yung itsura ni Voldermort na walang ilong.

Sa panonood ko nitong The Goblet of Fire, dito pala ini-explain ang 3 unforgivable spells sa mundo ng wizardry.

* Avada Kedavra (the Killing Curse)(Used for Killing)

* Crucio (the Cruciatus Curse)(Torture)

* Imperio (the Imperius Curse)(Complete control over mind)


Now i know, I thought they were just mumbling these random latin-like words at basta maka kumpas lang ng wand eh yun na - ang alam ko nga lang na spell eh "aguamenti"

Anyway, napako ang tenga at isip ko sa Avada Kedavra - holding a pen, i was actually saying this spell na nakaharap sa salamin hehehe - "Avada Kedavra!" At first, i think it was cool - pero paano kung mag katotoo - what if kung makapatay ako? Then i got scared. - Dun ko na rin nalaman na ang kulay ng light na lumabas sa wand pag binangit mo ang Avada Kedavra ay kulay green - so nakita ko yong green light sa wand ni Voldermort - at red kay Harry - sa katapusan ng the Goblet of Fire.

So natapos ko na ang The Goblet of Fire, ang sinunod ko naman ay ang The Order of the Phoenix.

Di ko inaasahan na sangkatutak na batuhan ng Avada Kedavra ang nandito! I was scandalized! Naiisip ko nga - "This movie should be rated XXX!" - sobrang violent ba? You don't just wave your wand and point it to somebody then say "Avada Kedavra" just like that - di mo ba alam na pinag babawal yang spell na yan? - Sobrang asar talaga ako, lalo na kay Bellatrix Lestrange! Maning mani lang sa kanya ang pagbitaw ng spell na yon. Tutok mo lang yung wand then say the curse, bye! with matching hair flip pa ang potah!

Then dito na nanganak ang utak ko ng isa na namang thought.

"Ollie, naeeskandalo ka pag naririnig mo ang Avada Kedavra?, samantalang nung isang buwan lang ata, halos umalsa lahat ng litid mo sa leeg ng may sinabihan ka (sa isip ko lang) "Mamatay ka na! #$% &*&^$ %$*&^ !" So ano pinagkaiba non?

Magkaiba naman yon, sobrang inis lang ako. Tanda ko, ang unang "Mamatay ka na moment" ko ay nung 4th year high school pa ako, 1999? - nung sobrang trapik sa SLEX at 3 hours ng di gumagalaw ang trapik, then i said "Kung sino ka mang nag cause ng trapik &$%*(@^$ mamatay ka na! ^&^$##@!"

Then ito na nga yung pangalawang pagkatataon, nung nakaraang buwan... ngayon na lang naulit after 1999? Well i do not mean it naman, sobrang inis lang ako as in boiling point na ang dugo ko BUT yung sinabihan ko ng malutong bad curse eh hindi naman pinoy - wow! Ang name nya ay si M. A.

Yeah, i know, it's bad and unforgivable? Well, unforgivable siguro kung namatay nga. Siguro next time, para less brutal, sasabihin ko na lang, "Bakit ka pa nabuhay?" or "Bakit ka pa ipinanganak?" or sasabihin ko na lang "Expecto Patronum!" - happy thoughts. But on a second thought, i'll just have sexy thoughts na lang.




0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine