Bittersweet panoorin tong movie na to kasi alam mong matatapos na to soon, natapos na ang Lord of the Rings, pero buhay pa rin ang Harry Potter.
Wala akong nabasang libro ng Harry Potter pero dahil intersante sya, may effort naman na mag research kung ano ano yung mga terms na binabangit sa istorya, like ano ba yung animagi, sino sino ang mga characters, hocruxes, mga ibat ibang magic spells, mga places at kung ano ano pang mga bagay tungkol sa wizardry and witchcrafts.
Tulad ngayon, napanood ko na ang Part 1 ng Deathly Hallows, ang movie eh tumakbo sa pag hahanap ng Horcuxes - syempre, yung Deathly Hallows din. Sa sobrang eager ko na mag research, di sinasadyang nabasa ko na kung ano mang yayari sa Part 2, some, wapak! Ano ba yun! Sa katapusan ng movie, akala mo napakalakas na ni Voldermort kasi nakuha nya yung wand ni Dumbeldore! yun pala... Kung alam lang ni Voldermort at kung kasing sipag ko lang syang mag research - the wand will be like, a "bato na ipupukpok nya sa sarili nyang ulo" Well, mabuti pa rin naman na in general panalo pa rin ang mga bida natin sa katapusan, all in all.
Inistop ko na pag rereasearch muna kasi baka mamaya eh mabasa ko pa kung sino yung mamatay na friend ni Harry gusto ko pa ring masorpresa sa susunod na taon , July 2011? Sana Christmas season na lang ulit nilagay yung playdate para sa Part 2...
2 notes:
buti ka pa nakapanuod ka na, hehe
honestly hindi ko na alam ang stroya ng HP hehe
the last part that I saw was Order of the Phoenix i guess i have been missing a lot, hahaha
chef, mag buy ka na lang ng dibidi para makahabol ka pa sa wento ni Harry. - kilala mo si Ms. Umbridge sa Order of the Phoenix? Lumabas ulit sya sa Deathly Hallows, kala ko hinostage na sya ng mga centaurs for life.
Post a Comment