Karambola


May panaginip ako kagabi.

Nasa isla raw ako ng Caramoan sa Camarines Sur tapos kasama ko raw si Iza Calzado. Naglalakad kami sa dalampasigan - ini enjoy ang dagat, buhangin, alon, ang bughaw na langit - ini-enjoy ko ang pagtingin sa kanyang 2-piece bikini na puti.

Iza:
"Ang ganda ganda talaga dito ano? Sariwang sariwa ang paligid! Tignan mo Ollie sa sobrang sariwa, inaanod lang sa dalampasigan ang mga talong!"


Ollie:
"Talong? Di ba dapat mga bunga ng niyog? May malapit sigurong plantation ng talong dito?"

Tapos ay pumulot sya ng 5 talong na inaanod ng alon, uulamin yata namin yon o pasalubong pabalik sa Manila.

Hinayaan ko syang mamulot at ako ay naglakad sa dalampasigan at may nakita akong puno ng balimbing.

Ollie:
"Wow! Balimbing, matagal na akong di nakakain nito!"

Habang nakatingala ako para mag hanap ng hinog na bunga, may nakita akong maningisda sa taas ng puno parang nag rerelax lang, nakahiga sa branch, at pakain kain lang ng balimbing. Di kami nag usap. Witchels.

Habang sinisipat ko ang mga bunga ng balimbing, may nakita akong dalawang salaginto (iridescent beetle). Di ko alam kung bakit ko kinain ang mga insektong yon, una ang ulo, akala ko mainam yon na source ng protina. Medyo crunchy ang texture pero nandidiri ako kaya dinura ko yung durog durog at may mga laway laway ng salaginto.

Sa horizon, nakikita kong may parating na bus - hovering bus. May sakay itong mga locals - sumisigaw sila habang naka dungaw sa bintana at galit na galit sila sa akin . May sinasabi sila na di ko maintindihan - pinagagalitan yata ako kasi kinain ko yung mga salaginto.


0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine