Marami na ako nabasang posts na nag babalik tanaw sa kanilang kabataan – siguro ginagawa nila yon kasi, oo nga naman, bukod sa gusto lang nila matawa or matuwa sa mga kalokohan or kainosentehan nila nung bata, ay nandun yung “Sana” - "Sana di na lang ako tumanda" o "Sana kung makakabalik lang ako sa aking kabataan" dahil napaka simple lang ng buhay nung bata tayo – paglalaro, kain, tulog lang ang iniintindi natin dati – kasama na dun ang pahingi lang ng piso kay nanay pambili ng laruan, kendi, at cheese curls sa tindahan.
Tingin ko, bukod dun, ang isa pa sa mga pinoproblema natin nung bata tayo ay kabaligtaran ng gusto nating mangyari ngayon na matanda na tayo. Nung bata ka, at one point ay sinabi mo naman na
“Sana lumaki na ako agad!"
Pero akala mo seryosong hiling lang yon, kaya pala gusto na nating lumaki ay dahil sa ibat ibang dahilan:
1. Para di ka na matulog sa tanghali.
2. Para di ka na pagbawalang magkape... dahil sawang sawa ka na sa amoy at lasa ng gatas.
4. Para makatikim ka na rin ng beer, parang nasasarapan kasi sila Tatay at mga kumpare nya.
5. Para di na bawal mag basa ng mga playboy magazines or manood ng mga xxx – ang daya di ba, sila ninong, tatay, at mga kumpare nya lang nakakatingin non!
6. Para maka lusong ka na rin sa mas malalim na parte ng swimming pool, dagat, o ilog kung saan naka lublob sila kuya, ate, yaya, nanay at tatay. Wow! Kaya nila sa malalim!
6. Para di ka na kinakalong sa jeep pag pupunta kayo sa palengke ni nanay.
7. Para di ka na sinusuklayan sa di mo naman gustong hati ng buhok na nasa kaliwa - mas guapo ka kapag nasa kanan ang hati ng buhok.
8. Para makapag suot ka na ng brief.
9. Para wala ng extra bankito na pinapatong sa upuan pag nagpapagupit ka sa barbero.
10. Para matuli ka na agad, para matapos na to at makapag yabang ka nasa mga kalaro mo.
11. Para di ka masyadong pingagalitan o mapalo o kaya ay makasagot sagot ka naman kapag pinagagalitan ka. Makapangatwiran ba?
12. Para makapag suot ka na ng salamin sa mata gaya ng lola at lolo mo - kasi galit na galit sila pag sinusukat mo ang kanilang antipara.
13. Para di ka na masabihang "Bitiwan mo yan" pag may hawak kang baraha.
12. Para di na piso lang ang binibigay sayo ng nanay at tatay mo - gusto mo ay yung 2-peso bill, yung papel na 2-peso bill!
13. Para makasali na sa usapan ng matatanda.
14. Para makasakay ka na ng roller coaster – bawal ka pa raw kasi masyado ka pang maliit.
15. Para magka muscle ka na at maging kasing katawan na kayo ni GI Joe o ni Super Islaw o He-man!
16. Para makasagot ka na ng "Amen" kung sakaling tanunging ka ng pari "Katawan ni Krito?" - dahil gusto mo ng makatikim ng ostiya.
17. Para baka sakaling malaki ka na eh di ka na tatahulan ng aso at at kung habulin ka eh makakatakbo ka naman ng mabilis at makakatalon sa mataas na pader.
18. Para maging asawa mo na si _________ at totoong bahay bahayan, lutu lutuan, nanay-nanayan at tatay-tatayan o asawa-asawahan na ang mangyayari.
19. Para makakain mo na yung sisiw ng balot.
20. Para makapanood ka pa ng TV hanggang 10 pm kasi dun palang ipapalabas ang Regal Shocker!
21. Para kung sakaling sipagin ka naman sa pagtulong sa gawaing bahay, ay di ka na sasabihan ng "Bitiwan mo yan at baka mapaso ka" o "Oy peste ka, mahiwa ang kamay mo!" o "Bumaba ka dyan, at baka mahulog ka, may pilay ka na may palo ka pa" "Tigilan mo yan, makuha ka sa tingin ha, baka di ka na abutin ng Pasko" - kaya mo naman di ba, ikaw na nga tong tumutulong eh..
22. Para di ka na masabihang "Bawal syo ito kasi uubuhin ka" kapag gusto mo ding kumain ng halo-halo, ice-cold na sarsi, o yung malamig na abokado na may gatas na punong puno ng ice cubes!
23. Para di ka na nauuto o naalaska ng mga matatanda or nauutusan na manghiram ng panghilod na bato, plantsa, atbp., sa kapit-bahay.
24. Para di ka na madaling paiyakin.
25. Para kung sakaling lumaki ka na eh di ka na saling pusa sa mga laro kasi ikaw ang pinaka maliit.
Ano pa ba ang mga dahilan mo kung bakit mo gusto mo ng lumaki nung bata ka?
Malamang sa hindi, ngayon na malaki ka na, ay nagawa mo na lahat ng nabangit…
So, kamusta naman bata este ‘tanda?
Photo of Courtesy of Dante Hipolito
7 notes:
Yung number 5 talaga ang pinakadahilan.
Para din masuot mo na ang damit nila ate at kuya.. nandun ba yun?
Para din makainom na ng beer. hindi daw kasi inimin pambata magsoftdrinks nalng saw muna. Hahahha
Bro, papalitan yung background ng page mo. Nakakasilaw kasi yung mga lights hirap magbasa. Try mo. :)
@ arvin adik! hahaha. so wala ng bawal bawal syo ngayon?
palitan ko na lang sa New Year siguro ang background. nasisilaw din kasi ako.
May bawal padin. Bawal din naman pumatay. Hahaha. Ano ba yang back ground mo? PAra akong nasa encantadia. :P
whahaha ang ganda ng post na to..parang yung bata sa amin.. gusto kaagad lumaki hehe :D
anyway.. care to xlink at follow :D
@arvin, daanin mo na lang yang angst mo sa pag bubuhat dun sa gym hahaha. - antayin mo sa new year, dun na lang ako mag rerenovate ng blog ko including the background.
@axl, para paraan! JOKE. sige bisita ako sa bahay mo muna, let see kung same tayo ng wavelength - tamang kababawan lang =)
Kuya Olli,e nanakasilaw yung background :)
anyhow, i like the one about dun sa swimming pool, actually ganun din hiniling ko nuon haha
dagdag ko pa, gusto ko nang tumanda kase ayaw ko na ng pinapalo ni sinturon, hehe
wahaha. matagal na rin akong di nakabalik dito at sulit ang pagbabalik ko lalo na nung nabasa ko ang number 7. perfect na pampatawa sa continuous na pagbabasa. LOL.
Post a Comment