Rooftop

Dito sa nilipatan naming apartment (pansamantalang tirahan habang ginagawa ang aming bahay na nasunog nung December) ay may access sa rooftop. Kung nabobored ako sa loob ng bahay, aakyat lang ako doon para makakita ng ibang ambiance. Mahangin din sa taas, dahil malapit lang ang area sa Laguna de Bay – kita mo actually ang Lawa ng Laguna mula sa rooftop – mga fishpens pati kabundukan ng Rizal at Laguna area.

Maramin akong pinag mumuni muniang mga bagay dito sa taas - ang langit, ang kulay ng langit, mga ulap – buwan, bituin, ang Filinvest skyline, mga billboards sa SLEX at yung part ng skyway, kita rin dito sa rooftop.

Pag may time or di busy, umaakyat ako rito pag sunset or sunrise to capture this explosion of colors – combination of pink and blue bago sumikat ang araw at combination ng violet at orange naman pagpalubog na ang araw.


sunset




sunset




sunrise




sunrise


Well, since umiikot ang mundo sa kanyang axis, itong mga ganitong makulay na langit eh sandali lang kung lumabas – so masarap syang titigan for limited time – abutin lahat ng matatanaw mo. Sa ngayon or sa lugar natin dito Metro Manila ay bihira na lang natin matanaw ang horizon dahil sa mga struktura – pero once na mapunta tayo sa isang mataas na lugar or isang parang/kabukiran or tabing dagat na kung saan pwede nating tanawin ang dulo ng mundo - ang sunset at sunrise – kasing lawak ng langit ang pwede mong gawing interpretation o pwedeng maramdaman habang nakatitig sa preskong kulay ng umaga o misteryosong kulay ng takip silim

1 notes:

{ Vhincci Subia } | March 25, 2011 at 3:15 AM said...

Nice sunset! I love the colors... :) World of Vhincci

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine