Toga

Kita mo ba mga displays ng mga shops ngayon? Mga toga or graduation ang theme...

So next question, speaking of mga toga displays

"San ka graduate? Anong course mo?" - Tanong ko sa sarili ko.

I-gineral na natin, parang educational background lang sa resume.

Kinder - Sa isang maliit ng school sa Guadalupe Makati - 2 rooms lang ata yon - pero ngayon eh wala na yung pisikal na school, parang bodega na lang sya.

Elementary -
Grade 1 at 2 sa San Jose Elementary School, Makati
Grade 3, 4, 5 sa San Vicente Elementary School, Sta. Maria Pangasinan - dito ako nalipat kasi nag Singapore nanay ko, pinaalagaan muna ako sa lola ko. Dito na rin ako natutong mag Ilokano
Grade 6 - Alabang Elementary School.

High School - Di ako nag high school. I mean 1st year, 2nd year, 3rd year? Hindi. I just took acceleration test at derecho na ako 4th year high school - Pero yung 4th year ko eh di pa rin normal kasi home study sya (RESPSCI Pasig City). Sa bahay ako nag aaral, walang teacher. Ang mga kaklase ko non eh mga artista (Matet, Dimples Romana, Anna Marie falcon AKA Francine Prieto) , mga athletes, dancers, mga oldies na gustong maka kuha ng high school diploma, mga may sakit na di kaya ang regular or heavy sked na araw araw pumapasok, foreigners din ata? mga lumobo ang tyan na wala sa oras? at iba pa.

College - I just took a technical course sa International Electronics and Technology Institute - Information Technology Management, a 3-year course - dun ako natutong mag MS word, excel, powerpoint, access, visual basic - even lotus 123 at wordstar.

Then, work/OJT na as Logistic Expediter sa isang electronic company sa Sucat. 5 month-training lang yon.

Then 6 years na isang jack of all trades person - naging celcard, eload retailer, baker, balloon maker, lender, macho dancer, Joke! Hirap ng self-employed!

Yung naipon ko ron after 6 years eh ginamit ko pang aral. Kumuha ako ng short course of Medical Transcription (9-month course) - which is ang current kong trabaho since 2008 - pakinig kinig lang mga mga sinasabi ng mga US and Brit doctors then type mo na yung mga medical histories ng kanilang patients.

Yun lang ang thought ko ng makita ko yung sabit sabit na toga sa kisame ng National Bookstore...

1 notes:

nikka | March 17, 2011 at 2:28 AM said...

sosyal. nag-accelerate ka pala.

how i wish may ganon sa mga schools dito, particularly dun sa pinag-aralan kong skul. :( dami ko palang nasayang na time sa school haha.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine