Indian, Pana, at Libro

"Wala yan sa Indian, nasa pana!" - nasa libro rin! Pwede?


Bilang baguhang photographer - wala akong ibang kailangan ngayon kundi maraming info lang about photography at kung paano mapapaganda mga shots ko - kung paano ka makakakuha ng magagandang litrato -sa kaso ko kahit point and shoot camera lang muna gamit ko.

Madalas akong tumambay ng National Bookstore at kung ano anong libro lang pinag bububuklat ko ron so one time, habang paikot ikot lang ako sa mga estante ay napunta ako sa Arts and Photography section, and whoa! Narito pala mga kailangan kong infos eh! So nag buklat ako ng ilang libro, browse browse lang - "Eto yung mga wala sa internet eh, dito ko lang pala makikita" and well, this is a book na sinulat ng isang photographer so may credibility naman siguro... gusto kong mahawaan ng kagalingan!




I bought my first photography book nung last January lang at yung pinaka huli kong bili eh nitong May 2 naman (portrait photography). I am just excited reading their wonderful tips na pwede kong ia-aply - Well, may iba na akong mga past photo sets na nilabas dito sa blog ko na inaply ko yung natutunan ko sa libro - at mga may ilalabas ako sa future. Am i willing to share the tips din? OO NAMAN! Luckily some of the tips eh pwede rin sa point and shoot camera so may lugar kami ng aking pinakamamahal na camera.

Ang downside lang eh pag di ko napigilang bumili ng bumili ng libro eh baka wala naman akong maipon para sa SLR or ng lens! Anyways, meron pa akong gustong dalawang books na parang maganda na pwede ko idagdag sa aking mga lovely books - tapos tama na yon hahaha!

1 notes:

{ ka bute } | May 19, 2011 at 3:41 AM said...

nag-iisa lang ung photography book ko. yung kodak guide to photography. ahahaha. lumang-luma na. hehehe. @_@

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine