Bawal Mag Shoot Dito

Ni hindi ko alam kung may karapatan ba akong mag react gayong ako ay isang hobbyist na gumagamit lang ng point and shoot camera - kasi mostly ng mga natatamaan or mas apektado ay ang mga gumagamit ng SLR.

Sinasabi ko pa nga, "Ako, maswerte pa rin, kasi ang dala kong camera sa photowalk ko eh di pansinin - di sya threat tignan kaya pasable na sa mga guardya"

I think, may kulang sa battle cry - BAWAL MAG SHOOT DITO PAG SLR ANG GAMIT MO". I've been reading a lot of comments sa fan page ng BMSD at somehow apektado rin ako - dahil may plan ako bumili ng SLR rin pero kung ganito ng ganito na limited na lang gagalawan ko, eh tinatamad na ako bumili . At makuntento na lang sa aking Canon D10, point & shoot camera. After all, baka ito talaga ang the best na camera para sa akin. Kuntento naman ako sa mga pinag kukuha kong litrato gamit ito. I'm just making the best out of it.

But from a hobbyist point of view, ina analyse ko ang situation. Limitado na ba talaga ang galaw ng mga photographers in general?

Bakit nga ba bawal?
1. Bawal kasi SLR? pero pag cam ng phone/p&s pwede.
2. Bawal kasi private property.
3. Bawal kasi for security reason to avoid act of terrorism
4. Bawal kasi gusto lang namin kumita so mag bayad ka ng fee.


Sige solusyunan natin yang problema na yan:


1. Kung ako may SLR at gusto ko mag photowalk at alam kong bawal dahil SLR, ang last resort ko eh P&S na lang dadalin ko. I'll make the best out of it. Di lang ang SLR ang camera. Pwede rin makakuha ng great images ang cam ng cp mo, ang P&S, and even webcam ng laptop mo, seriously. Wala yan sa pana, nasa indian ika nga. Di rin naman umiikot lang ang photography sa landscape... merong still life, wildlife, abstract, food photography, close up photography, etc. At i think malaki pa rin ang metro manila, sobrang marami pang ibang subjects na nag aantay lang pero di lang natin nakikita kasi mas naka focus tayo sa mga mas bigger than life subjects.

2. Aangal ka pa? Private property so bawal talaga. Pero try mo pa rin mag paalam kung pwede ka payagan. I've tried this sa mga private lots, luckily pinayagan naman ako. Pero, may pagkakataon rin naman na ako ay nasaway dahil malay ko bang iyon eh private (Parking lot ng Festival mall, Alabang). Sa ngayon, meron akong tinatapos na set, at na cha-challenge ako na makunan tong isang specific place na'to sa makati. Actually, ngayong umaga ko na lang nalaman, through BMSD fan wall, nakalista itong place na to na bawal kuhanan, i thought public yon! pero try ko pa rin sya makuhanan. Good luck! Tigas ng ulo eh no? Pwede rin siguro na, Hindi bawal hangat di ka nahuhuli, at kung nahuli ka, sabay banat ng "Ay bawal ba, sorry, di ko alam eh, now i know" *grin

3. Mula ata nung 9/11, dun na lang talaga naging vigilant ang buong mundo dahil sa act of terrorism. Ilang beses na rin na nagkaroon ng pagsabog sa Pilipinas sa ibat ibang mataong lugar. Sana lang sa mga guardiya, ito na lang sabihin nyo kesa sabihing "BASTA BAWAL!"

4. Shooting fee? I don't mind. Pero sana pag Filipino ang kukuha, sana wag naman mahal masyado. or depende rin kung anong klaseng photographer yung gagamit ng place. Kung pro yung photographer, e di singilin ng mahal, pero kung hobbyist lang, siguro okay na 50 php.

Ito eh mga superficial na solusyon lang. after all baka mas may malalim pa tong kaakibat ng problema like freedom of expression or right to have a leisure activity, or right to live/work para sa mga pro photographers. I just hope na malinaw lang kung bakit bawal at para magawan din ng malinaw na solusyon at ruling kasi gusto ko pa rin bumili ng SLR kahit na ganito, which I think is maganda rin naman kasi naniniwala ako na madali naman tayo maka adapt sa mahihirap na situations at baka may lumabas pang new genre, styles, techniques, bagong location or breed ng mga photographers na naka survive at di nag papigil sa kanilang passion for photography kahit na bawal mag shoot dito.

2 notes:

{ Vintot } | December 6, 2011 at 8:54 PM said...

weather weather lang jan sa festi magpapasko kasi kaya sobrang higpit.

{ Elmer Domingo } | July 31, 2012 at 2:31 AM said...

I have answers for you. But it's on my blog: http://eltorobumingo.blogspot.com/2012/07/my-bad-experience-with-fb-group-bawal.html#disqus_thread

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine