Hitting Two Birds with One Stone - Once In A Blue Moon

IMG_3626


I just had my first photo walk for this year – last Sunday – sa Sta. Cruz at Binondo area. I thought nung November 2011, galing na ako dito dahil may hinahanap akong specific subject/theme – kaso wala yung gusto kong kunan. “Naku, bumalik ka na lang sa Chinese New Year, at sigurado yan!” sabi ng trike driver na kinontrata ko para libutin ang naturang lugar. Sabagay, ilang buwan na lang, pero ang weird, akala ko, anytime of the year eh makikita ko ang subject na ’yon.

Di ako naniwala sa driver – kaya nung December, ay bumalik ako ulit, try ko lang baka sakaling makita ko yung hinahanap ko… but my effort was futile. Tsk! Hay naku! Bakit kasi kailangan pa sa Chinese New Year ko sya makikita! Kaya ayun, balik Alabang ako ulit.

Ano ba yong subject na ‘yon kamo? – na tuwing Chinese New Year lang nagpapakita… Skeptic pa nga ako na magpunta last Sunday baka kasi umuwi na naman akong luhaan.

So lahat ng daliri ko eh kri-noss ko na at nag brief pa ako ng pula. R-E-D. Pula para maswerte Please please please magpakita ka na sana!

So pag baba ko sa harap ng Binondo Church - “Ayon oh! Totoo nga na tuwing Chinese New Year lang sya nakikita hahaha – nahuli rin kita!”

Anyways, kung ano man yong mahiwagang subject na yon eh ipo post ko na lang sa takdang panahon - besides di lang naman sa Binondo/Sta Cruz sya makikita – may kamag anak pa to sa ibat ibang bayan – Pero itong ngang nasa Binondo/Sta. Cruz ang sobrang mailap.

Then after kong makuhanan yung mahiwagang subject – since naroon na rin ako sa lugar at Chinese New Year pa pati, ay pinoto-shoot ko na rin ang New Year ng ating mga kapatid na Tsinoy – and so it was like hitting a two birds with one stone – once in a blue moon pa.


Photograph by Bernard Eirrol Tugade

1 notes:

Anonymous | January 25, 2012 at 10:01 PM said...

I'll look forward kung anu man yung nahanap mo ehehe

remember me?

:))

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine