2Q 2012


Naiingit ako sa mga politiko natin - at least sa mga tatakbo sa eleksyon 2013. Bakit kamo? Eh kasi buti pa sila, meron silang bagay na nilu-look forward, di ba? Parang malayo pa yon pero parang malapit na. But at least, meron silang dahilan para gumising araw araw - excited kasi malapit na!

Nung pumasok ang bagong taon, wala pa talaga akong mga advance na plano for this year - at least short-term na plano na gusto kong mangyari. Siguro dahil may mga dapat na i-prioritize muna or kailangan muna ng tamang timing.

Pero last Saturday, at least i just saw something bright coming out of the horizon - at least may track na akong susundan. Meron na akong aabangan!

Nakita ko itong mga tarpaulin na nakasabit sa mga palm tree sa Filinvest Corporate City dito sa Alabang - at ang sabi, ang turnover ng mga units eh sa 2Q 2012 - So mga April to June 2012 yan! Hala ilang tulog na lang!


photo by Edwin_Martinez of Flickr

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine