May tanong ako sa'yo. Tapos na ba ang Corona Trial?
Well, ang huli kong nakitang eksenang major major ay yung napa "WAH!" si Senator Miriam Defensor Santiago. Then di ko na alam kung nasaan na tayo, anong page na ba?
Sooner or later ay aalis na rin si Senator Santiago papuntang Hague, Netherlands para maging isang judge sa International Criminal Court - pero matatapos nya ba ang Corona Trial?
Anyways, aware ka naman siguro sa Corona trial - sa umpisa siguro oo. Pero gaya ng iba, nawalan na sila ng interest pag tagal. Itigil na yan, wala rin naman patutunguhan yan, sabi nga nila.
Ako, interesado pa ba ako? Pwede! Pero parang mas interesado ako, hindi mismo kay Corona, pero sa opisina nya - ang Supreme Court.
Now, anong alam natin sa Supreme Court? Ang sagot ko, "Kataastaasang Hukuman" - tinagalog ko lang eh, sus.
Siguro, isa rin sa mga dahilan kung bakit di intersado ang tao sa Corona Trial eh di rin nila alam ang function ng Supreme Court - lalo na para sa mga MASA. Tanungin mo ang masa - si Juan dela Cruz. Ano ang silbi ng Supreme Court? Nakangiti lang siguro sila? Napapakamot ng ulo? Ano ang alam ng isang Juan Dela Cruz tungkol sa Supreme Court?
Siguro kaya di nila alam ang Supreme Court kasi walang malaking desisyon ang nasabing sangay ng hudikatura na pumabor sa mahihirap. Laging sa may pera, sa mayayaman, sa maimpluwensya lang pumapaning ang "hustiya" - like yung nangyari sa issue sa Coco Levy Fund, PAL case, etc.
Pero nitong huling araw lang, naglabas ang SC ng desisyon na masasabi mong pabor sa mahihirap - sa mga mga matatagal ng masasaka ng Hacienda Luisita - ibigay ang lupa para sa mga kababayan nating matagal ng nag titiis na matanim ng tubo. Matagal ng usapin yon, at nagkaroon pa nga casualities dati dahil sa iringan sa nabangit na lupa sa Tarlac.
At ng lumabas nga kamakailan ang desisyon ng Korte Suprema na ibigay sa mga mahihirap ng magsasaka ang lupang nararapat sa kanila - nakita ko nga sa TV yung pag lulundagan at pag iiyakan sa tuwa ng mga kababayan natin na nasa labas ng opisina ng Supreme Court - sa wakas, hustiya para sa kanila, sa kanilang maliit. Nakakatuwa! Sigurado, mag iiwan ng marka ang ginawa ng Supreme Court na ito - isang magandang balitang abot na abot - Masang masa! Makamahirap!
PS. What if minsan kaya, may isang reporter na pumunta sa Hacienda Luisita at nag tanong sa isang magsasaka at tinanong nya ito "Alam nyo po ba ang latest sa Corona Trial ngayon?" Pwedeng "Oo" or "Hindi" kasi mas abala sila sa pagtatanim, di ng tubo, kundi ng gusto nilang itanim nasa sana noon pa nila nagawa."

"We just did what is right and fair. That is social justice as ordained by the Constitution.” - Corona
"Maraming salamat sa Panginoon, alam nya rin ang totoo at saka hindi. ...tataniman namin ng palay para mabuhay ang pamilya namin. Hindi na kami mag hihirap. Makakain na namin ang gusto namin." - Aling Mila/sugarcane farmer
PS. What if minsan kaya, may isang reporter na pumunta sa Hacienda Luisita at nag tanong sa isang magsasaka at tinanong nya ito "Alam nyo po ba ang latest sa Corona Trial ngayon?" Pwedeng "Oo" or "Hindi" kasi mas abala sila sa pagtatanim, di ng tubo, kundi ng gusto nilang itanim nasa sana noon pa nila nagawa."
1 notes:
minsan sa katagalan ng isang trial or whatsoever, nakakainis and nakakarindi kase parang puro salita pero ang tagal ng results
ayun lang :))
Post a Comment