Uwian Na!

3:30 p.m

Hala! malapit na uwian!  Nakakapagod maupo ng 9 oras tuloy tuloy sa harap ng computer.

Sigurado, pag labas ko ng office mainit pa sa labas.
Sigurado, mausok.
Sigurado, ang daming commuters.
Sigurado matrapik.
Sigurado maraming tao - ibat ibang mukha - ibat ibang kwento - pauwi na rin - katabi at kaharap mo sa jeep.
Sigurado pagdating ko sa bahay ay pawisan na ako.  Kakain ako ng marami - meryenda -
Pagdating ko, mag bibihis  ako ng sando ko at shorts....







3:40 p.m. 

Malapit na ang uwian!  Kailangan ko ng i-kondisyon ang sarili ko sa pag uwi at suuungin ko na naman ang daan mula sa naging pwesto ko sa trabaho papunta sa bahay namin....








3:50 p.m.  

Papatayin ko na ang computer ko!  Bilis!  Mag shut down ka na!.....








3:59 p.m. 

Yahoo,  tatayo na ako!  Unat unat ng konti! Ahhhh!    Ready na akong umuwi!








4:00  p.m  

Yehey! Tapos na ang araw! Uwian na!.... Ay! Teka lang!   Nandito na ako sa bahay agad!?!












Ako si Bernard
Homebased Medical Transcriptionist

1 notes:

{ T.R.Aurelius } | May 18, 2012 at 7:07 AM said...

ang layo ng work, hehe

is this a literature or a fact about you??

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine