What's In? What's Out, FOREVER!

Sometime last April, habang nilalagok ko ang aking pang 3 basong tubig dahil sa sobrang init ay may kumalabit sa likod ko!

"Eirrol!"

"Hey, Manang Lucy*!  What's up?, Inom tayo! Want some?"

"Nabasa mo na ba yung balita sa dyaryo ngayon?"

"Bakit?  Anong meron?"

"Teka, kukunin ko yung dyaryo..."

*Si Manang Lucy ay kasambahay ng boss ko.  Habang ako ay natatatrabaho don sa bahay ng boss ko ay medyo naka bondingan ko rin si Manang Lucy - lalo pa't taga Bolinao, Pangasinan sya.  Eh ako, nakukuwento ko sa kanya na for 5 consecutive summers eh sa Bolinao Pangasinan lang din ako nag pupunta para mag beach!  So may connect kaagad kami bilang mga anak ng Bolinao.

Inabot nya sa akin ang dyaryo ng Philstar, at eto ang news...

http://www.philstar.com/nation/article.aspx?publicationsubcategoryid=67&articleid=795066

(Buti may online version)

"Ah... Pero di ba Manang Lucy matagal ng sarado ang parola na yon?  Mula nung nagpunta ako 5 years ago, sarado na talaga yun.  I mean, sarado ang gate papunta sa tutok ng parola... Pero pag gabi, naka sindi naman ang ilaw ng parola - yun nga lang parang every year na pumunta ako dun ay paghina ng pahina ang signal light ng parola."

 "Matagal na bang sarado yon?  Di ko alam, kasi yung pinupuntahan mong beach sa patar eh sobrang malayo yun sa barangay namin." Sabi ni Manang Lucy.

"Mahina na nga ang ilaw non tsaka di pa ako nakaka akyat sa taas kasi sarado yung pinto/gate ng tore"


Bumalik na ako sa trabaho ko pero hinanap ko muna yung online version ng balita para mabasa ko ulit ang ibang detalye - ang kwento at experience ng philstar correspondent sa paborito kong tambayan pag summer.  Sinasabi ko sa sarili ko na di na bago ang balitang yon.  Matagal ng sarado yon or di pinapa access sa public.

Actually ang una kong assumption eh pinasara na ang Patar Beach sa public.  Mali pala ang assumption ko.

So sa pagbabasa ko ng story, it seems na tuluyan na ngang  masisira ang lighthouse ng Bolinao - na naging isa sa mga simbolo ng turismo ng nasabing bayan ng Pangasinan - dahil sa hindi na rin pala masyado umaasa ang mga barko sa liwanag ng lighthouse pag sila ay naglalayag sa madilim na dagat - iba na ang kanilang taga turo, taga akay, at gabay sa dilim na kanilang paglalayag - ito ay ang GPS (global positioning system).

Oo nga naman.  Useless na talaga ang mga lighthouses siguro. Sayang.  Nakakalungkot lalo para sa akin kasi taon taon ay namamalas ko ang parola ng Bolinao - para silang mga gentle giants - nakatayo lang sila dyan, matayog.  Tapos kapag gabi, para silang simbolo ng pag-asa sa mga manlalakbay sa gitna ng kalawakan at kadiliman ng dagat, hindi ka ililigaw - lagi kang ligtas - sundan mo lang ang kanyang liwanag.

GPS.
Techonology.
Digital Age.
Wow!

Masdan mo ang ginawa mo!  Di naman ako against.

Naalala ko rin yung nangyari sa Kodak at sa Colliers Encyclopedia. Tapos ngayon pati mga ligthouses din pala.

Ano pa kayang mga bagay bagay ang mawawala sa sirkulasyon in the near.... NOW!

IMG_0181


Photo by:  Bernard Eirrol Tugade 

1 notes:

Anonymous | May 18, 2012 at 2:28 AM said...

sayang naman, kahit sana maging open for tourists na lang....., :(

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine