The Last of Its Kind - Lonesome George

Naiisip mo ba minsan na kunyari ay nag iisa ka na lang - o ikaw na lang ang natitira sa lahi ng tao? (Let's go science ulit.).   Let say, itong earth ay pinamahayan na ng alien at ikaw na lang ang natitirang tao - puro alien na lang ang nakikita mo at nakaka interact mo.

O kaya hindi puro alien pero puro armadillo na lang.   Nakakalungkot sigurado!  Walang taong makausap -  Ikaw na lang mag isa talaga.

Ganito ang nangyari kay Lonesome George.  Kilala mo sya?  Di sya tao. But he is lonesome, very.  Ang iba pang tawag kay Lonesome George ay:

Chelonoidis nigra abingdonii
Pinta Island tortoise
Pinta giant tortoise
Abingdon Island tortoise
Abingdon Island giant tortoise

Isa syang species ng tortoise sa Galapagos Island, Ecuador.  Sya na lang ang kaisa isang species ng kanyang lahi.  Yung iba nyang kapamilya ay naging biktima ng pangangaso sa nasabing bansa/isla.

Noong 1971, naniniwala ang marami na extinct na ang nasabing tortoise pero may natira pang isa, si Lonesone George - last na ito - so he became the rarest or loneliest animal in the world kasi isa na lang sya.

The scientists decided na dalhin si Lonesome George sa Charles Darwin Research Station para protektahan. Sinubukan nilang paramihin ang lahi ni George sa pamamagitan ng pag lalagay ng mga babaeng tortoise mula sa ibang lahi (Chelonoidis nigra becki,   Chelonoidis nigra  hoodensis, and Chelonoidis nigra chathamensis), pero hindi ito naging successful - may mga nabuong itlog, nilagay sa incubator pero na-penoy - infertile.

Nagkaroon pa ng pabuya ang scientists ng tumataginting na $10,000 o mahigit Php 400,000 para sa makagpagdadala ng babaeng tortoise na pwedeng makatalamitam ni pareng george para magkaanak lang sya.

Nung June 24, 2012, oo eto lang June 24, 2012, very shocked na nakita ni Fausto Llerena, yaya ni George for 40  years, na patay na si Lonesome George - they thought inatake sa puso si George - pero pinag aaralan pa ito. Tinatayang namayapa si Lonesome George sa edad na 100 - bata pa kung tutuusin dahil iniexpect nila na mabubuhay pa sya sa mga susunod na dekada - at kayang kaya pang makipag niig kahit walang Viagra considering his age, parang Serafin Cuevas o Juan Ponce Enrile lang ang peg.

Close kami ni George, kinda.  Matagal ko ng nakita ang kanyang documentary sa BBC - nung minsan naglipat ako ng channel habang commercial ang Spongebob. Can you imagine,  nasa bingit na sya ng extinction non - isa na lang ang kanyang lahi! Nakakalungkot kaya.  Pero ngayon, he is officially extinct - parang dinosaur lang. But for sure, di na sya Lonesome kung saan man sya naroon ngayon.






George, sensya na, tao lang.

1 notes:

Anonymous | June 30, 2012 at 6:50 AM said...

poor George, I was surprised by his size... sayang lang...., he's the last of his race....

I hope he's happy now, wherever he is

:))

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine