You'll Just Read It Anyway

Gusto kong mag post ng mga bagay bagay na parang tanga lang - hindi yung sa bandang huli ay feeling dunungdunungan? Or feeling na ang taas taas ko!  Feeling guapo!  Mas trip ko yung tipong sa bandang huli pagkatapos mong mabasa ang post ko ay sasabihin mong "Ano bang klaseng article yon?  Nagsayang lang ako ng oras potah!" Isang malaking baliw ang author ng Sketching My Corner!"

So anong isusulat ko ngayon?

May certain topics ako na gustong i-tackle kaso parang may masasagasaan.  Ayoko ring ipost kasi lalabas na sobra akong affected?  Affected ako ng mga external forces!  Ayoko yon!  Gusto ko lang na carefree ako, walang pakialam, parang tuod na walang pakiramdam!  Pero this is my blog anyways, my own corner! Should I write about it? I don't know.  Pwedeng hindi.  Pwedeng oo.  Mas malaki pa nga ang chance na i-blog ko ang aking sex scandal dito kesa don sa mga naiisip kong topics.  - Meron daw akong masasagasaan?  Anong paki ko sa'yo, sa'yo, at sa'yo!  May kaaway?  May kaaway?  WALA!  Ang bait ko kaya! 

As of this time, i am restless. Ano kaya ang gagawin ko? -  "Ang batong gumugulong ay di makakaipon ng lumot"

Huh?






May hinahanap ba akong tamang timing?

Time is gold for golddigger!

Huh?  Ano yun?  Anong connect?

Wala!





Halo halong kalamay na ito! Naipon na ng naipon!  Pero sa bandang huli, ano ba ang importante?





Should I detoxify my brain and soul? 
Paano?
Saan?
Kailan pwede?
Ilang araw?

Siguro nga...  Hindi na naman bago yon sa akin...
Decision
decision
decision!



Anyways, isingit ko lang muna ito, yung secretary ng Department of Agriculture na si Proceso Alcala?  Pagtumakbong senador yan, iboto nyo kasi mahal na mahal sya ng ating mga magsasaka!  They are very vocal about it.  Love na love nila si Alcala!  Medyo na threatened nga sila ng may plano na ilalagay sa DAR si Senator Pangilinan.  Sabi ng mga farmers "Ano ba naman yan, kung kelan maganda na ang tubo ng halaman ay saka pa bubunutin na naman?! Wag na po mahal na Pangulo, okay na po sa amin si Sec Alcala!  Magaling sya." 

May ganung plugging at segue?


 Eh yung boxing match ni Pambansang Kamao laban kay Bradley?

Waley.  Kung manalo eh di nanalo!  Kung matalo eh di natalo. Joke!



Ano ba yan, kung saan saan na ako tumatalon!

Tatalon?
Dive?
Tubig?


Zip it!

Time check!  1:30 p.m.  Oras na para maligo!

4 notes:

{ T.R.Aurelius } | June 9, 2012 at 3:10 AM said...

Isa lang nakuha kong point...,
yung tipong pagkatpos kong basahin tong post mo eh nganga ako hehe

{ Ollie } | June 9, 2012 at 3:18 AM said...

gusto mo pa rin akong i-meet if ever di ba? o baka lumayo ka na at matakot LOL.

{ butterflier } | June 10, 2012 at 11:21 PM said...

anong problema mo koya? depressed? stressed? haha. chura. XD

{ Ollie } | June 14, 2012 at 12:37 AM said...

i'm back as of thursday 3pm hehehehe. Belated happy independence day! - im checking my "mestiso-ness" - di naman pala ako umiitim, slight lang.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine