Chill Day!


Can't believe this, 2 days or derechong 48 hours akong mapapahinga at least for the month of July! For almost one year na mag start ako ng work ay mag kahiwalay ang mga rest days ko; Wednesday and Sunday! kasi skeletal force kami sa office kaya ganun; monday to saturday ang office. Maganda rin ang pwesto ng rest day ko sa Wednesday kasi pag monday eh di gaanong pressure kasi di masyado mahaba aantayin kong araw at pahinga na naman ako ng wednesday and so on then Sunday na naman rest day ulit hehehe. still, may feeling ako na may something "ipit" or "bitin" or "short" pag araw ng Wednesday and Sunday.

Ngayon, dahil sa bagong account namin sa office, kailangan ng gawing Monday to Sunday ang operation. so kailangan idistribute ang force hangang Sunday at isa ako sa nalagay sa Sunday! at inilipat naman sa Tuesday & Wednesday ang rest days ko! Medyo adjusted na ako sa Sunday kasi nag karoon ng "dry run" at ilang Sundays din ako pumasok; parang ok naman pag Sunday, kasi ala masyado trapik, less pollution at di ganon ka loaded ang jobs pag Sunday versus pag weekdays. So meron na akong 2 rest days kung kelan loaded hehehe!

48 hours! dami kong magagawa at pwedeng gawin! actually sumagi din sa isip ko na pwede na akong umuwi ng Pangasinan pag rest days ko hahaha! taray! or 1st day linis ng bahay/maglaba/palaki ng katawan then second day mag iinternet lang ako buong maghapon or mahiga/matulog/movie trip/blog or mag sip lang tea! hahahays! sarap!

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine