The 4 Honor Guards


Talaga naman, di pa tapos ang Cory's Magic fever sa Sketching My Corner! 9 am to 10 pm kahapon ah marathon to sawa ang panoood ng TV para sa Memorial Day ni Pangulong Corazon Aquino! Umpisa sa Requiem Mass hangang sa 8 oras na pag mamartsa ng humigit kumulang 25 kilometro mula Maynila hangang Paranque na dinaluhan ng 300,000 pinoy, na di kakikitaan ng pagod, buhay na buhay ang espirito at di nagpatinag sa masamang panahon, hangang sa pag seselyado ng marmol na lapida ni President Aquino! di ko malaman kung sino mas nahirapan, yung 300,000 na pinoy na yun o yung apat na magigiting na kawal na talagang di natinag at tindig na tindig, di gumagalaw sa kanilang poste sa apat na sulok ng kabaong ni Pangulong Aquino! hehehe kaka bilib kaya ang tibay, resistensya, and will, ng apat na to, more than 8 hours dere derechong walang galawan, walang kainan, walang ihian, walang sukob sukob sa ulan at init! Saludo talaga ako! Tandaan nyo name nila ha, baka maging 1 million-peso question pa yan sa mga quiz show eventually! Muli, saludo kila:


1. Army Pfc. Antonio Cadiente

2. Airman Second Class Gener Laguindan

3. Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez

4. Police Officer 1 Danilo Maalab

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine