September 25, Friday, naka panood pa ako ng sine non at nag gala; okay naman ang panahon at di ko naisip na kinabukasan, September 26 eh lulubog ang Metro Manila sa loob lamang ng 5 hours na tuloy tuloy na ulan.
Actually baha na lugar namin since September 13 palang, at patuyo na actually ang kalsada namin, still, vigilant kami kasi ang tubig eh nasa kalsada lang, isang malakas lang na ulan sigurado papasok na yun ng bahay. ayun nga, buti na lang walang ulan mula nung sept13 kasi patuyo na talaga kalsada namin.
Earlier morning ng september 26, medyo tolerable pa ang ulan, di ako nahirapang pumasok sa trabaho, tipong ordinaryong ulan lang, tipong di kami papasukin ng baha sa loob ng bahay. anyway, saturday naman, may tao sa bahay, mga utol ko at si Nanay.
So habang nasa office, mga bandang 930 am na ata, nag umpisa na ang fury ulan, lumalakas na, kahit nasa loob kami ng office eh ramdam mo ang vibration ng ulan sa labas at lakas ng hangin... at ng sumilip ako sa window eh zero visibility na ang SLEX although may mga sasakyan pa rin. Ang lakas! I am expecting it na titigil din after 30 minutes so bumalik na ako sa station ko. kasabay ng ulan, ang pag pa-fluctuate ng kuryente sa office, luckily, tuloy ang business. Siguro napasarap ako ng pag gawa sa job ko, di ko napansin 11 30 am na, sa muli kong pag silip ng window, eto na ang nakita kong scenarios mula sa window.
Kaming lahat ng officemates ko ay di na makapaniwala kung anong delubyo na ang nakapaligid sa amin. at patuloy pa rin ang buhos ng ulan! Tumigil na ang mga sasakyan SLEX, tumirik at nabalahaw na, parang watery parking lot na'to. May ilan ding stranded at lumulusong sa baha, di ko alam kung pauwi na to or nag pupumilit pa rin maka pag report sa mga offices nila.
Judging from these scenes, wala na, pinasok na ang bahay namin, ang taas na nito! kamusta na kaya sa bahay? baka umabot na ata sa second floor? nag aantay na lang ako ng tawag sa celphone ko kung anong balita nangyayari sa bahay, i am calling pero di na rin sila sumasagot.
Habang nasa loob ako ng office eh bigla may isang malakas na "BANG!" akong narinig! Shoot ano yon? sumabog na transformer? napatid na transmission line? lumabas ako at nakatingin ang mga tao sa pwesto ng Total Gas Station na nakalubog na rin sa tubig which is katabi lang ng office namin...
May nag liliyab ba? Sasabog ba ang Total Gas Station? Hello ang lapit lang ng gasolinahan na yun, siguradong aabot ang liyab/hellish blast nun if ever? mag kakaroon ba ng mushroom cloud effect gaya ng napapanuod ko sa movie? Dun na talaga ako nag panic! pero ang mga miron eh nakatingin sa poste ng meralco so i guess baka transformer lang siguro but still may mga taong stranded na lumulusong sa tubig? nakikitang kong para silang mga kawawang itik na basang basa papalayo sa pag sabog, at fortunately wala naman ako nakitang parang nasaktan or nakuryente.
i got a text from my bro na wag muna daw ako uuwi kasi hangang dibdib na raw tubig sa loob ng bahay, tsk tsk tsk. gustuhin ko mang umuwi there is no way, kailangan bumababa na muna ang tubig. I just replied na lang na mag ingat sila at bantayan si Nanay.
4PM came, at nawala na ang mala-dagat na baha sa SLEX, naiwan na lang ang burak at san tambak na inanod na basura sa paligid. di ako makapaniwalang nakalubog to sa tubig kani kanina lang. I texted my bro kung pwede na umuwi? kasi ala na tubig sa SLEX. pero may tubig pa raw sa bahay at hangang bewang pa rin at brown out na rin.
nag antay pa ako sa office until 7PM para siguro talagang mababa na tubig nun. tsaka siguradong wala na rin tubig yung dinadaanan kong underpass na tumatawid mismo sa ilalim ng SLEX. Sinundo ako ng tatay ko nung oras na yun i think delikado talaga ang daan lalo pa't gabi na at halos bihira na rin ang jeep. I'm chilling na rin, ng dumaan at tinawid namin ang underpass, naipon na run ang tambak ng putik at burak, madilim, at amoy burak talaga! We managed na lagpasan yun. I thought tapos na... ilang sandali pa, nakarating na rin kami sa bukana ng sitio namin, brown out pa rin, at umpisa na kami lumusong ulit, habang papasok sa loob ng sitio eh palalim na ng palalim, hangang dibdib ko. Halos ang dami kong sinagupang challenges bago pa makarating ng bahay. Una, lumusong sa malamig na tubig, madilim ang paligid, at ang pinaka delikado sa lahat eh nung gumuho ang 30-feet high na pader na nag hihiwalay sa pabrika ng cement mixer at sa sition namin,
halos gumuho to sa right of way, at kailangan mo lumusot sa pagitan ng guho at sa sinasandalan nitong bahay na parang isang langaw lang dadapo or isang hapyaw lang ng alon eh guguho na yun ng tuluyan at malilibing ka ng buhay.
nalagpasan ko naman ang delikadong moment na yun, as much as gusto ko kunan ng picture yung guho eh madilim na at nilalamig na ako sa pag kabababad.
and true enough, hangang bewang pa rin ang tubig baha sa bahay namin at eto ang kuha kong picture ngayon umaga sa loob ng bahay namin at bumaba na hangang hita pero sa labas eh hangang baywang pa rin.
it seems na ang tagal bago humupa ang baha, tingin ko eh aabot to ng hanggang 2 months bago talaga matuyo ang daan... ganun katagal? 2 months? i think so. dati dati naman talagang binabaha na kami pero halos isang oras lang eh wala na rin ang tubig, andun na sya sa level ng creek nearby. so for 2 months ng ganito? shoot! sa ngayon ay di ako pumasok, di ko alam kung paano?
kanina rin may nakita na ako ng mga improvise balsa na dumadaan. ewan ko lang sa ibang part ng sitio kung may mga banka din or tulay tulay para makatawid ang mga tao. Ang hirap nitong situawasyon na ganito... ang temporarily lang na magpapagaan sa situation eh makagawa na ulit ng tulay sana, tulay na coconnect sa tuyong lupa at malaya ulit na makakagalaw... shoot, naiiyak ako.
0 notes:
Post a Comment