Lava glows while cascading down the slopes of the Mayon volcano, as seen from Lingnon Hill, Philippines, on December 15. Philippine authorities started evacuating about 50,000 people from around the nation's most active volcano as it continued to spew burning mud and rocks. Mayon volcano, famous for its near-perfect cone shape started to release lava earlier this week. Vulcanologists expect a major eruption in the next few days.
Ilang araw na rin tong balita, ang pag giging aktibo ulit ng Bulkang Mayon... unang reaksyon "Ano ba yan, kung kelan malapit na Pasko." Di na ba tayo titigilan ng masamang pangyayari... patapos na ang taon... Please naman, hayaan naman tayo na mag saya... ibalato na lang tong nalalabing araw ng 2009 para mag reflect. mag balik tanaw kung ano ano ang mga nangyari sa atin... mga bagay na nag padapa sa atin, mga bagay na kumwestyon kung ito ba ay nararapat sa atin, mga bagay na dapat ipag pasalamat, mga bagay na sumubok sa iyong katawan, isip, at espirtuwal na aspeto...
sa akin, ngayon, bakit di ko magawang maging excited para sa nalalapit na Pasko. Tila may aninong tumatakip sa mga ilaw ng parol. di rin ako nag iinit kahit anong pangginaw ang aking suotin... nanunoot ang lamig sa aking katawan. Maraming pwedeng bilhin sa tindahan, meron akong pambili, tila di naman ako mabubusog, at tila ako'y hubad pa rin...
Ano ba ang gusto ko sa araw mismo ng pasko o kahit anong araw? gusto ko lang nang magaang na pakiramdam, positibong pag iisip, makahinga... at taos pusong pag babahagi ng iyong sarili sa kapwa, at sa pamilya, materyal, dasal, pag nanais na lagi silang ligtas...
PS
Isang pakiusap lang.... lahat tayo may gusto ngayong pasko, wish list ba... sana kung ano man ang matangap mo, gusto kong iparating mo na sana, sa nag bigay syo ng regalo ang katagang "Salamat _________!" (pangalan ng nagbigay syo) . wag lang basta tangap ng tangap hehehe... . I think bukod sa "Merry Christmas", nakakagaan din ng pakiramdam na mapakingan ang salitang "Salamat". Deal?
Parang kahit ano pa atang pagsubok darating ay kakayanin nating malalagpasan at mani mani lang kung tayo'y makikialam or at the very least mag paabot ng dasal... at ipasa sa iba ang magandang bagay na natatangap natin... At, syempre, mag "Thank you!"
0 notes:
Post a Comment