Paranormal Activity comment



Napanood ko na’to, di sa sine.., nag uwi lang ng copy ang kapatid ko at nakinuod na lang ako sa PC , naka tipid na ako ng 140 hehehehe.


I have just read the hype regarding this movie sa isang blog, kung pano to patok di umano sa US, sinasabi na scariest film of the year; mga convincing post production stories like nung pinanood daw to ni steven spielberg sa bahay nila eh unexplainable eh nalock sya sa kanyang “mini theater” sa di malamang dahilan dahil lang panonood nito, even the Youtube trailer, mukhang nakumbinse ako na abangan to. Sabi rin parang blairwitch ang dating, at nakakatakot kaya ang Blairwitch.


My point, I think the plot is mababaw, or boring sa umpisa ng pelikula. Nababagalan ako, anyway, ang climax ay nung 21st night…


I think the script is bad. May mga corny factor din lalo na nung lumabas na sa story ang Ouija board, ang luma luma na kaya nun para gamitin pa sa pelikula. Di ko rin gusto ung part na sinusubakan ng bidang lalake ang bad spirits, as in “oy mga espiritu, mag pakita kayo, yan lang ba kaya nyo, mag dabog, mag pagalaw ng chandelier, etc,” with matching mura pa ha. He kept on messing with those dark elements. Kita mo naman, umabot sila ng 21st nights kasi syadong nagmamagaling yung guy, di ko alam kung ano gusto nya patunayan gayong girlfriend nya na nga ang nag susuffer at ano alam nya sa demonology etc, leave those things to the expert man!

Anyway, may mga makapigil ding hiningang eksena, sa bandang huli na lang nilabas… the ending is creepy, and tragic, that is on the 21st night...


Medyo natakot or naparanoid din ako nung kinagabihan hehehe, nag hihintay ako ng noise na pwede kong marining sa madaling araw gaya ng sa pelikula hehehe.


Scariest movie ba sya? Hmm 6/10. Ang pinaka nakakatakot sa akin ay ang Sixth Sense tska siguro yung mga mid 90’s Shake Rattle and Role ng regal films hahaha. Actually, ang Paranormal Activity eh di na polish na pelikula, they just distributed some few copies at tinest muna bago ilabas sa market. At mukhang patok naman, at least sa US, kaya hinayaan na lang na ganito ka “raw”… pero siguro kung mas nag invest pa sila sa script, or visual effect, or sound or nag palit ng actors, bago nila nilabas sa market baka mas naging patok pa’to at talagang maging worth it sa kine claim nitong hype.



anyway, para di na masyado mainit ulo ko, i just posted a Paranormal Activity parody video... pambawi LOL







I Love TOFU!

2 notes:

{ DRAKE } | December 6, 2009 at 12:22 AM said...

Isa ulit overrated film yan! Naubos ko na ang sampung supot na chitchirya hinid man lang ako natakot!

Pre ingat lagi!

{ Unknown } | December 6, 2009 at 3:18 AM said...

@ drake.. thanks drake hehehe di ko ineexpek na mag cocomment ka dito.. pagdamutan mo na ha hahaha! ingat din dyan sa saudi... nice.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine