My Poor Wheel


General cleaning ngayong Sunday at sa aming mini bodega ay nakita ko na naman ang aking bisikletang nakabigti!!! i think mahigit isang taon na tong nakasabit at di na napakinabangan.

I actually bought this in August 2008 for 6,000 pesos at isang buwan ko lang nagamit at ayon, kalat na lang sya sa bahay.

Binili ko tong first "wheel" ko dahil sa distance ng trabaho ko... Medyo tricky, 1 km lang naman ang distance... parang malayo at effort kung lalakarin, at masyado naman maigsi para mag commute at gastusan mo ng 30 pesos araw araw. at isa pa kung bakit pag kalapit lapit at pagkamura mura lang sana na distance eh dahil sa underpass. Imbes na derechong 1 km ang byahe mo eh mag dadalawang sakay ka every 500 meters.

So anyway, talagang decided ko na noon na bumili ng bike kasi kung dati 7.50 ang pamasahe, nababalitang baka pumalo sa 10 pesos ang pasahe sa jeep. So di na praktikal talaga. So ayun, bumili na nga ako. Ewan ko ba kung bakit di ko yon na blog sa lumang kong blog.

So pumunta na nga ako ng alabang at nag paassemble ng bike ko. at ito na rin sinakyan ko pauwi. At first medyo mahirap at nakakahingal pala yun, hahaha, mas comfy pa rin ang sumakay sa jeep. pero baka makakasanayan ko rin to siguro. I thought uso to sa mga first world countries, like France, Japan, US, or UK na pumapasok papuntang work na naka bike lang. under the 7-am sun at dumaadaan ako sa acacia-lined road. or kapag nag papalit ako ng gear, aliw! or kapag nag bubusina ako using bell, parang nagtitinda lang ako ng binatog! cool! higit sa lahat ay yung susi nito! parang susi ng kotse! nakasabit pa yun with my ID, pero ang totoo, susi lang yon ng kadena ng bike ko para isecure yung bike sa parking lot hehehe.

Pero on the other hand, may mga di rin magandang aspects: una, yung pollution, though may face mask ako; yung malalaking truck na kasabay ko, tsk tsk, lack of side mirrors, at syempre ang na oversight ko ay ung underpass. Pag dating pala dun eh kailangan ko buhatin araw araw ang bike ko, hingal ka na nga sa pag pedal, hingal ka pa sa pag buhat at pag akyat panaog ko sa bike habang tinatawid ang underpass sa ilalim ng SLEX. hahaha. ang bigat pa naman ng bike ko para buhatin! Nginig na ako ulit sa gutom pag dating sa office! at dahil nga sa buhat buhat factor na ito eh di ko na ulit nasakyan ang bike ko.

I still remember, nung nagbakasyon ako sa pangasinan, sabi ng lola ko, "Naikwento sa akin ng tatay mo ollie na bumili ka raw ng bike mo, hahahaha, nakakatawa ka naman!, talagang di mo na napakinabangan bike mo no apo?, tama ba naman na imbes na ang bike ang bumubuhat sa tao eh ang tao ang bumubuhat sa bike?" at sabi ko sa sarili ko "Oo nga no?" habang nakatingin sa lola kong humahagalpak sa tawa sa katangahan ng kanyang apo.

Right now, nag lalakad na lang ako hahaha, 2 km na cardio workout araw araw, at nakaka save ako ng 30+ araw araw. at about sa bike, dyan lang sya muna sa bodega. i hope magamit ko pa rin sya sa biking trip sa mga posh villages dito sa alabang whoa! or sa filinvest area, yung ma-puno at wala masyadong sasakyan and by that time eh bibili na rin ako pala ng proper attire, cycling shorts; the Felix bakat look!


0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine