Bellevue Hotel (Eat-All-You-Can Buffet Experience)


Di ko alam kung saan ako mag sstart kasi isang 5-star hotel dito sa Alabang ang sangkot dito , at ayoko rin namang mag mukhang inosente/galing sa bundok/"PG" dahil first time ko kasi maka experience ng eat all you can style na buffet, sa isang posh na hotel dito sa south. Anyway, ikukuwento ko na rin, masayang experience naman kasi ikukuwento ko eh, i dont care kung sabihin mong, "gawin bang big deal ito? parang yun lang, buffet lang?" basta, buwis buhay nato, natutuwa lang ako sa first experience ko na'to hehehe

Last Wednesday ng gabi eh niyaya kami ni boss na mag dinner sa Bellevue, kasama ang client naming British na nag proprovide ng medical files from London. Napaka hospitable talaga ng pinoy, at ang bait ni boss hehehe!

so mula office, kami nila boss with her husband, the 2 Londoners, at 3 medical transcriptionists ang nasa loob ng sasakyan. chika chika ni boss yung 2 briton sa loob habang kaming 3 MT's ay nakikinig lang (i have just hoped, na di kami makita ng british na to at kung ano ano ang itanong sa aming 3 MTs hehehe, di ako ready makipag englisan, kuntento na ako nakikinig sa chikahan ng mga "mataas na tao" sa loob ng kotse... i just overheard na ung isang british eh ikakasal sa June, na wla pa silang alam na tagalog words masyado, at nakita ko rin ang pag bibigay ng souvenir ng 2 british ng UK coin sa aming boss, a small gift para sa isang harmonious na business partnership. at.... nakarating na kami sa harapan ng Bellevue... Chineck ko pa raw suot ko, kung presentable ba ako? Okay na siguro ang black casual shoes, black fit pants, at polo shirt na My Pilipinas Shirt by Rhett Eala. Okay na yan. Di naman ako na overwhelmed sa lobby ng Bellevue, sanay na ako sa mga ganitong posh na lugar, pero di hotel, mga posh mall like Rockwell Powerplant or Makati Medical Center LOL, sanay na ako na makipashare ng hangin sa mga sosyal sa paligid. Nabother lang ako na wala akong dalang camera! sayang! daming magandang subjects sa loob ng hotel; the chandelier at yung grand staircase leading to the Café d' Asie na nasa second floor.
anyway, sa Café d' Asie ng Bellevue ang dinner place... Na itreat na rin dito ni boss ang ilang team dati dati pa, di ako sumama nun kasi nahihiya ako at bago pa lang ako sa work.. So sa mga "senior" officemates lang ako nag oobserve kung ano ang gagawin sa loob ng Café d' Asie.

tambay mode lang muna sa table namin, chika chika, rest lang ng konti, habang inaalam ng waiter kung anong drinks ng bawat isa sa amin. at ako'y nag oobserved lang.. daming foreigners na nag didinner! at ang pogi ng mga waiters! may ganun?! okay naman ang ambiance.. cozy at romantic.. di naman ganun kapormal. di alangan sa karakas ko; mukha rin naman akong korean or chinese (lakas ng hangin) :P

At di nagtagal tumayo na nga sila sa table ang nag punta sa area ng kuhanan ng food, sumunod ako. They picked plate, at kumuha na rin ako ng plato ko, and then i said to myself "Ang liit ata nito, parang di ako mabubusog kahit punuin ko pa to.. (syempre di mo naman pwede punuin kasi nakakahiya) parang nakiki pamyesta lang dating! at dun na ako na overwhelmed sa sumunod kong nakita...

Oh my god! ang daming pagkain! AT WALANG BANTAY! Nasa isa ba akong malaking piging sa isang palasyo? di ko nabilang kung ilang lamesa yon ng pagkain? may lamesa for different soups, may lamesa for green salad , may lamesa sa kaliwa na puro seafoods, may table na puro ibat ibang desserts, may area na puro bread, pies, muffin at cream cheese at kung ano ano pang palaman at spreads, may lamesa kung saan nakaserve ibat ibang dish of meats, chicken, at fish.. may nakita pa akong area na may mga hilaw na isda, para sa mga sashimi trippers, may isa pa ako nakita na halo halo booth, bahala ka nang mag sandok ng mga sangkap mo sa baso mo! ang dami, halos di ko nga naikot lahat ng table. Isa itong piging talaga! isang malaking bulwagan ng pagkain na parang nararapat lamang sa hari at reyna or sa mga foreigner lang! di pa ako nakakita ng ganitong kalakaking handaan! ganon?! parang akong nanaginip at may sparkling effects habang tinitignan ko ang mga nakahain sa lamesa gayun din ang presentation nito. di ko namamalayan, halos kalahati ng plato ko eh sosyal na sinangag lang ang laman wahhhhh! pero gusto ko pa nun, at nito, at pati yon, at yun pa! kaso halos puno na ang plato ko ng sinangag! damn it! at isang spoonful na serving ng meat dish, at isang cut ng medium rare na steak... kaya bumalik na ako sa lamesa ko sabay habol tingin pa sa mga namiss kong ibang dish pa sana. hahaha balik na ako sa lamesa ko na dissapointed. then dumating na ang ilan kong officmates sa table, dala ang mga plato nila. Ang sarap naman ng napili nila, tsaka yung dala nila eh di ko nakita kanina like tempura, mongolian dish, kimchi, etc. I thought uupakan na nila ang dala nila pero pupunta pa sila ulit sa gitna ng bulwagan, "tara, balik pa tayo dun" aya nila sa akin... "Pwede pa ba?" tanong ko. "Oo naman, eat all you can kaya to? kailangan sulitin ang +1000 per head na binayad ni boss hahaha, di ka kasi sumama dito nung nakaraan kaya di mo alam hahaha" Ako naman tuwang tuwa, tumayo ako ulit at kumuha ng panibagong plato at pumunta ako sa area ng salads, namili ako ng gusto kong isahog sa aking fresh salads, tapos ikot ikot pa ulit, nakakita ako ng mga tiger prawns at nilagay ko sa plato ko at ilan pang serving nga mga dishes na di ko pa natitikman sa tanang buhay ko, ni hindi ko nga alam ang pangalan eh kasi mga international dishes na siguro to, knowing 5 star hotel tong sinugod namin hahaha, ikot ikot pa, chineck ko na in advance mga susunod kong kukunin for may 3rd plate... still pag balik namin sa lamesa, very suprising pa rin mga plato ng mga officemates ko, at ang tanong ko na lang "San mo nakita yan?" "Meron din palang ganyan, bakit di ko nakita?" grabe. Then nag umpisa na ang dinner, mga 8:30 pm na ata yun. at pumapasok na rin para mag hapunan mga in-house guests ng bellevue, sarap kumain kasi may nag pipiano pa talaga, very wholesome at msaya ang ambiance.. Mukhang enjoy din ang mga briton naming bisita sa kabilang dulo ng aming lamesa... kwentuhan dito, kanya kanyang comments sa mga pagkain, share share din ng foods, refill ng ice tea dito at doon ... nakitikim ako ng kimchi kasi never pa ako nakatikim nun, ayon, sinipon ako sa anghang LOL. at kinamay ko na ang aking malalaking sugpo! Halos nabundat na kami pero kaya pa, tatayo pa kami para mag dessert! sugod ulit! i think naka 7 klaseng desserts yata ako, blueberry cheesecake, tiramisu, brownies, melon, straberry tarts, leche plan. habang ang iba eh nag buko pandan, ice cream, mango crepe, halo halo, at isang buong mansanas. kasabay nun eh kwentuhan pa rin para bumaba na ang mga kinain namin, halos di na kami makahinga, tapos may mga patawa pang office/life experiences, politics, at kung ano ano pang light na kwentuhan. Kulang lang talaga sa experience na yun eh camera. hehehe, anyway, next time magdadala na ako. It was great talaga, parang holiday season lang ulit ang pakiramdam. Nakakatuwa rin na may ganitong mga social activities, para mabalance ang stress sa trabaho at mabuild din ang rapport sa ibang officemates.

anyway, 1000+ per head, eat all you can experience, pwede!!! Pwedeng mag dala ng date dito! or family pwede rin, kailangan lang talaga eh malaki ang kaha (volume capacity ng stomach) mo hehehe para sulit.

anyway, narito pa isang review na nakita ko sa net about their Café d' Asie experience. tsk tsk tsk, natatakam ako ulit. at naiingit ako sa pictures hahahaha

4 notes:

{ DRAKE } | February 12, 2010 at 10:03 PM said...

Ang sosyal sosyal naman yan pre! Hayaan mo sa pag-uwi ko punta ako dyan! At 1000 lang naman eh (sabi mo) so pwede na rin yun!hehehe

wala ka bang picture na kasama ng sosyal na mga pagkain na ito?hehe

Ingat lagi bro

{ Unknown } | February 13, 2010 at 12:37 AM said...

@drake, oo, sayang, di ko nadala camera ko talaga.. di ako sanay mag blog ng experiences pag walang photos! anyways, may plan pa naman ako bumalik dito ulit, pamper ko sarili ko (or with a date) with good foods. And food photography/food styling ang karirin ko next time.

akala ko sasabihin mo, "next time, punta ako dyan at libre kita" hahahaha.

{ EngrMoks } | February 13, 2010 at 8:02 AM said...

nice..valentines na valentines ah... nice resto...
happy Valentiger Ollie!

Anonymous | February 13, 2010 at 9:27 AM said...

ok na ko sa isang kainan sa "tondue", 1000 buong baranggay na namin mapapakain ko. haha

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine