Ice Cream



Ewan ko ba lately maiinit ang dugo ko, or easily agitated kapag usaping sigarilyo + kaibigan... kung pwede lang mamimili ng kaibigan na di na ninigarilyo at love nila ang baga nila. Meron akong 2 close friends na talagang nag aalala ako about sa kanilang health... i should be alarmed, araw araw akong exposed sa mga medical files, mga physical examination, consultation, etc ng ibat ibang pasyente (dahil ako'y isang medical transcriptionist) . Nag aalala ako or naalala ko ang 2 closest friends ko pag yung files na napupunta sa akin eh may lung cancer, sakit sa puso, COPD, at kung ano ano pang sakit na pwedeng makuha sa paninigarilyo...

si bestfriend E: Alam ko, dati na syang nag ssmoke pero occasional lang; di araw araw, i think lumilipas ang isang buwan na di sya nakaka sigarilyo. Pero nag iba na ito lately, mula nung pumasok sya sa call center, through pag tatanong ko, nalaman kong nakakaubos na sya ng 8 to 10 sticks araw araw, dala na rin ng stress sa trabaho siguro....

si buddy B: Dati tong malakas manigarilyo, pero may nangyari before na napabawas ang sigarilyo nya sa 4 sticks a day na lang daw. Pero, ngayon na nag apply na sya for a call center job ulit, baka tumaas na sa 4 sticks ang tirahin nito pagnag umpisa na syang mag trabaho ulit at maexpose sa stress. Pinadalan ko na tong buddy ko na to ng email at inunahan ko na sya, winarningan ko na.


tong dalawang to, eh love ko to eh, talagang nandun pag aalala ko sa health nila, please naman, umayos nga kayong dalawa!

speaking of.... segue ko na rin, napapaisip ako, ganun ba talaga sa call centers? dala ng stress eh natututo kang mag smoke? smoking lang ba talaga ang outlet para maalis ang stress?

hinalukay ko ang friendster list ko at ym list ko at kinontak ko mga ibang kong kakilala na nasa BPO industry din, parang survey lang ang drama ko hahaha. Ku

may isa akong nahanap sa YM list ko


Ollie: Hi! kamusta, got question..

People Support CSR: What?

Ollie: Do you smoke?

People Support CSR: Nope. Why?

Ollie: Talaga? (natuwa ako dun!, meron palang nag tatatrabaho sa call center ang di nag ssmoke!)

People Support CSR: Yes! Bakit nga?

Ollie: I thought kasi, lahat ng nag tatatrabaho sa call center eh napapalakas ng sigarilyo or natutuong manigarilyo pag stress sa trabaho.

People Support CSR: Hehehehe, di naman ako ganun.

Ollie: Eh anong diversion mo pag stres na stress ka sa trabaho?

People Support CSR: Ice cream!


How i wish na tong 2 kong epal na kaibigan eh makahanap rin ng ibang diversion na healthier para naman mas matagal ko silang makasama at makabonding ko sa pag tatravel.. yun lang naman ang gusto ko.


Anyway, kung di talaga kayo papigil, wish kong humaba na lang buhay nyo tulad ng mga lolo at lola kong ilokano na buhay pa rin kahit smoke ng smoke ng home-made rolled tobacco at ang style ng hithit eh sa loob ng bibig ang baga ng sigarilyo. may ganun di ba? mukhang malakas pa sa kalabaw kahit naninigarilyo. Baka mas lalo naman kayo magkasakit kung bigla nyo itigil ang sigarilyo.. ewan. kanya kanyang kaso lang yan siguro, but anyhow, wag nyong sabihin na di kayo kayo pinaalalahanan ha. At marunong naman siguro kayo mag basa at umintindi "smoking is dangerous to your health" malaki na kayo! at di na rin kayo bumabata...


2 notes:

{ Jepoy } | February 2, 2010 at 12:53 AM said...

Ayoko ng manigarilyo! Pero tao lang ako at mahina....

{ EngrMoks } | February 2, 2010 at 5:48 AM said...

Mahirap i-quit ang yosi... "hahanap hanapin moh!" (parang commercial ah!)

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine