Mas maganda kung "GAY" kaysa "WAL"

Lately lumabas ang 2nd wave of political jingle ng isang presidentiable, M.V. ... at aaminin ko, nakaka LSS (last song syndrome) na naman ang kanta sa commercial nya. Pero tong pangalawang jingle nya ngayon ay medyo tolerable sa tenga ko (o baka medyo bago palang kasi sa airwaves at di pa sya nakakasawang pakinggan, hindi tulad nung isa na nauna na kino-consider ko ng noise pollution)

Naaliw ako dito sa bago nyang jingle kasi may isang part dun sa lyrics na pinapalitan ko ng word or - letters and presto! mukhang mas maganda sa pandinig at nakakaliw at ang lakas ng impact!

eto ang original lyrics ng kanta

Pinanganak kang mahirap, patuloy na nangagarap
Magsipag at magtyaga, balang araw aahon ka
Hindi bawal mangarap ang mahirap
Basta't maabot ito sa malinis na paraan
Si * ay nangarap kahit mahirap
At nagtiwala sa maykapal at may paninindigan

at eto ang sariling ko version na may 3-letter alteration



Pinanganak kang mahirap, patuloy na nangagarap
Magsipag at magtyaga, balang araw aahon ka
Hindi bagay mangarap ang mahirap
Basta't maabot ito sa malinis na paraan
Si * ay nangarap kahit mahirap
At nagtiwala sa maykapal at may paninindigan


Hahaha, how politically incorrect naman!
naalala ko pa yung isang napanood ko sa isang show dati and she said "You know what's funny? Poor people who have dreams".

Pero mas panalo pa rin yung alteration ko "Hindi bagay mangarap ang mahirap..."





2 notes:

{ DRAKE } | March 18, 2010 at 1:21 PM said...

welcome paraekoy! Namiss kita pwamiss!hehehe

Hanapin mo sa youtube yung paradoy ng commercial ni M.V !ganda nun!hahah

ingat

{ Unknown } | March 18, 2010 at 5:03 PM said...

hmmm talaga namiss mo ko? hay naku, toxic sa office eh walang day off day off, wlang rest day rest day for 2 weeks. OA ba? basta ganun! sige check ko yang parody na yan.

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine