Random Wednesday



Lalabas ako ngayon kasama ang aking baby (Canon D10). May susubukan akong photography technique. Medyo delikado yung pupuntahan kong lugar - baka mahablot ng wala sa oras ang camera ko. So, knock on wood, sana magkasama pa rin kaming uuwi mamaya dahil kung nagkataon, yang picture ng aming little Christmas tree ang huling subject na nakunan ng baby ko hehehe. Sana rest day ng mga snatchers ngayon.

---

Off topic: Narinig ko sa balita - Akala ko ba nag palabas ng travel alert ang ibang bansa (US, New Zealand, Canada, UK) sa Pilipinas kasi may terrorist threat daw. Pero si Bill Clinton darating sa November 10 dito sa Manila. Anyways, let's just be safe. Wag pakalat kalat!

---

Anyways, here's a "pasilip" sa susubukan kong technique ngayong araw. Ang tilt-shift photography - used for simulating miniature scenes. Tignan natin, kung ano ang kaya kong paliitin. It's gonna be cute parang Lilliput! =)





0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine