Say My Name

Dapat extended pa ang tulog ko ng Lingo ng umaga kasi off ko pero nagising ako dahil may maingay sa bakanteng lote na katabi ng aming bahay - mga batang naglalaro. Oh my, summer na - expect ko ng ganito kaingay tuwing umaga sa kanilang bakasyon.

Sumilip ako sa bintana na pupungas pungas pa at nakita ko sila, ang nilalaro nilaay tagu-taguan. Medyo marami namang pag tataguan sa bakanteng lote - or nabakanteng lote kasi dalawang lote yon ng nasunog na bahay - ultimong mga lumang CR eh pinag tataguan nila - ang alikabok pati! But they don't mind.

"Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo, isa... dalawa... tatlo... - wala sa likod wala sa harap... Game?"

"Game!"


Nanood lang ako...

Hahaha, alam na alam ko kung saan nag tago at sumiksik ang mga bata! Habang ang taya eh parang pusa o tigreng dahan dahang naghahanap sa kanyang mga kalaro.

Ayan na ang taya, malapit na sa pinagtataguan nyo, wag kayong maingay...

May isang bata na tinignan ako sa mata parang nag sasabing "Kuya, wag mo ko ituro ha shhhh"


"PUNG Buknoy!"

"PUNG Vanessa!"

"PUNG Philip!"

Wahhh pung na ang ilang bata, sabay karipas sa base...

I just realized na masyado palang personal tong laro na ito no? Kasi involve ang pagsasabi ng pangalan ng kalaro mo... I mean, syempre nag laro rin naman ako nito nung bata ako... Hinalukay ko sa memory ko yung narinig ko nung bata rin ako...

"PUNG Ollie!"

Parang akong nakiliti...
I feel touched...
I am belong...

Sa isip ko

"Aw ang sweet mo naman, sinasabi mo ang pangalan ko... Close na tayo? Kasi alam mo pangalan ko eh?"

Same din pag ako ang taya... "Pung _________!"

"Wow, friends na kita kasi natatawag kita sa pangalan mo." Di ba? Sarap kaya marinig ang pangalan mo.

Naalala ko rin if may bagong kaming kalaro na di namin kakilala at di namin alam ang pangalan. "Pung ano! Basta ikaw!"

Or pag ako ang bagong salta... "Pung ano" - syempre malungkot ako kasi di nila alam kung ano ang pangalan ko lalo pa sa larong taguan... di masyadong enjoy.

Ayon nga, ang taguan pala eh personal na laro... Sarap manood... yun nga lang pinaalis na sila ng nanay ko kasi maingay daw sila.

"Oy lipat na tayo don sa kabila... Sino next na taya?"

"Si Buknoy!!!"

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine