Kalayaan 2009!



Maligayang Araw ng Kalayaan kababayan!

Sa pag pasok ko kaninang umaga, i think 2 lang watawat ng Pilipinas ang nakita kong nakawagayway; isa sa bintana ng kapit bahay namin at kaninang tanghali sa isang private car na gumagaygay sa east service road ng SLEX heading Alabang. Then sa office, 'tong logo ng Google

Parang wala naman masyadong happening sa paligid kanina... as if meron akong care? Meron naman, konti...dati.... I still remember 11 years ago, June 12, 1998 centennial celebration habang nanonood sa channel 4, may live kasi silang kuha sa Quirino Grandstand, mga programs then yung fireworks display, nakisabay din kami ng mga kapatid ko. Naman, New years eve palang Decemeber 1997, talagang nag tira ako ng lusis, tsaka watusi non para meron kami pasasabugin sa June 1998... trip trip lang bahalang maimbak ng 5 months pa yan. Then ayun, gabi ng June 12, punta kami sa labas ng gate, at nagpa-ilaw ng lusis, at nag paputok ng mga natirang watusi hehehehe... ang weird ng pakiramdam nung lumabas yung mga kapit bahay.. June? May lusis at watusi? Bahala kayo dyan! 100th annivesary lang naman ng kalayaan ng Pilipinas as if buhay pa kayo sa June 12, 2098, ang susunod na sentinaryo! hehehe syempre paputok lang at pa-ilaw ginawa namin, di na kami nag sisigaw ng "Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas!" :-P

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine