Bad trip! Last Friday pa wala kaming internet sa bahay! Walang nare-receive na signal ang computer ko! i thought sinusumpong lang ang Smart Bro, siguro palipasin ko lang ng isang araw at magkakaroon din.. pero Sunday na wala pa rin. Kailangan ng tumawag sa customer hotline kasi rest day ko sa tue/wed at di pwedeng alang internet hehehe... So tumawag ako sa hotline at nag troubleshoot but to no avail... "Nakita" nila sa system nila na di nga nakaka receive ng signal ang antena ng broadband namin. so ang plan eh may ipapadalang mga technicians sa bahay para tignan kung ano status ng antena, "it seems na may nadiskonek" daw... so I scheduled it na papuntahin ang mga technicians sa day off ko, Tuesday na lang para may tao at may mag aassist... Tuesday came at trinobolshoot personal ang PC ko... Mahina daw ang nare received ng signal ng PC ko... and the two techinicians decided na umakyat sa bubong para i check ang antenna ng broadband... after a couple of minutes, bumababa na sila... at sinabi nila na kaya wala palang nare recieve na signal ay may nakita silang humaharang sa pagitan kung saan ako kumukuha ng signal (sa sucat area) at sa mismong antena ko... they say na may building daw na nakaharang or under construction.. what?! saan banda yun? wala akong ideya na may malaking building na tinatayo malapit sa amin para humarang ng signal! beside, mula nung late 2006 ng mag subscribe kami sa smartbro eh okay na okay ang signal! Ngayon lang to nangyari talaga. Anong building ba yung humarang na yun, sa isip isip ko!. the technician suggested na itataas ang antena ng ilang meters pa para maka sagap ng signal at maybe, baka pwede pakiusapan daw ang kapitbahay na "makipatong " sa bubong nila nung antena ko kasi mas mataas ang bubong ng bahay nila... and temporarily, inilipat or itinapat muna nila ang antena ko sa ibang malapit na "signal provider" yet, mahina pa rin at may nakaharang pa rin daw na puno ng kaimito naman! .... Di pa ako makapag decide kung ano gagawing step sa suggestions nila.. pwedeng ang suggestions nila eh mag failed din kasi nga yung building na underconstruction.. e di pa tapos yon,, ala pang bubong! so tataas pa yun! i decided na lang na pabalikin na lang sila sa next tuesday at kakausapin ko muna Nanay ko para sya makiusap sa kumare nyang kapit bahay namin kung payag sila na "itirik" sa bubong nila yung antena namin hehehe... curious tlaga ako kung anong building yon... still di ako maka akyat sa bubong kasi tanghaling tapat yon.. mainit.. so bukas ko na lang ng umaga aakyatin at titignan...
Kinaumagahan, umakyat na ako sa bubong, at nakita ko na kung anong building ang nakaharang!
Building pala to sa may pagawaan ng semento or cement mix! mukhang mababa lang naman ang building para harangan ang signal! but then, chineck ko kung gaano kataas ang broadband antena ko, mababa lang din naman pala so nadale ng "harang"! So dati ay nasa way ng building na yun nakaharap ang antena ko at naroon somewhere sa horizon, dun ako tumatangap ng signal...
I checked naman kung saan nila ito tinapat na bago (bagong "tower", may signal na pero mahina, at "choppy" at nakita ko kung ano naman ang nakaharang... puno ng kaimito nga hehehe! at sa bubong na ito ang plan na pag "titirikan" ng mas mataas na antena.. umabot kaya?
Let see next week kung makakabalik ulit ako sa cyber space.. sa ngayon, dito ko lang sa office ginawa tong blog ko. Now you know baka kasi hanapin nyo ako hehehe. Kumahog talaga pag alang internet no? LOL! but i will inform you naman kung nakabalik na ako...
0 notes:
Post a Comment