Pira-pirasong Bubog

Pira-pirasong Bubog

Kasabay ng mga pangyayari sa paligid
Pinipilit na iligtas ang pinaka iingatan.
Ito'y yakap-yakap at
binigbigyang init



Ngunit sadyang may mga pagkakataon
na di mo malalabanan
ito'y mahuhulog,
mababasag


Nasa lupa'y makikita
mga nag pira-pirasong pag-asa,
pag-ibig,
at pangarap



Luluhod ako
at aking pupulutin isa isa
mga nawasak na pag asa at paniniwala.
Ang mga munting bubog na'to
ay di kayang itapon at ibasura



Sila'y aking bububuing muli sa paniniwalang
sa likod nito ay isang magandang bagay ang nag aantay.
Ang lahat ay nangyayari, may dahilan



ako ay magpapatuloy
dala ang mas positibo at bagong anyo
ng pinagtagpi tagping
pira-pirasong bubog
na kikinang sa liwanag at init ng araw

ollie

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine