Shorts; Ukay ukay



The plan is set for a post birthday gimik sa Manila Ocean Park sa Oct28, and i dunno kung bakit naging aware ako sa kung ano isusuot ko sa araw na yun? adik! ano bagay na suot? hmmmm maong? plain shirt? ano kulay? hahaha! siguro kasi, umaatikabong cam whoring mangyayari sa oct28 at masyadong maraming bagay ang pwedeng kunan ng litrato at gawing background, mga isda, diver, mermaid jellyfish, pawikan, manila bay background etc.. naiinis ako sa sarili as i am writing this blog, kasi pati ba naman mga ganitong ka-superficial na bagay eh nilalagay ko pa sa blog ko! sensya na! anyway, so nag browse ako ulit sa fave kong korean fashion site at dun ako nag tingin tingin. and nakita ko na ang images ng japorms na nakita ko... alam ko na susuotin ko sa 28! mag sho shorts ako!




E kaso wala ako ganitong mga shorts, got one kaso baggy at checkered! gusto ko solid na color, at tamang tama ang fit at tipong sumisilip silip ang tuhod ko! hahaha! hmmm sa kaya meron nito? well, sa bangketa ng alabang, puro baggy at checkered talaga ang nagkalat ngayon.. at di ko type.. masyado ng common, at parang pambahay na lang ang dating.. di tulad ng nasa picture, casual pero maangas, at mga korean lang nag susuot, guilty pleasure ko mapagkamalang chinese or korean kaya LOL! gusto ko ganito susuotin ko habang namamasyal sa loob ng MOP, presko. Pumunta ako sa metropolis para mag hanap... sa festival mall sana kaso wala na ako budget para bumili ng branded at sure na puro checkered at baggy din dun ang meron sa mga shops. libot libot lang sa metropolis star mall, at sinubukan ko mag punta sa mga ukay ukay shops.. luckily, may nakita ako dalawa, isang black at gray binili ko na pareho. Okay ang fitting, pasado na rin. i think blessing in disguise na rin na bumili ako ng ganitong shorts kasi para maiba naman japorms ko rin sa office, lagi na lang nakatiklop na maong hangang shins/calves kasi dahil sa panay panay paglusong sa baha ngayon, so magagamit ko rin to sa office, at sa parating na summer din pag mainit na. hehehe!

0 notes:

 

Copyright © 2010 Sketching My Corner All Rights Reserved

Design by Dzignine